Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Killer 9 taong nagtago, timbog

0 146

Arestado ang Top 1 most wanted criminal ng Manila Police Dis­trict (MPD) na siyam na taon na nagtago dahil sa kasong pagpatay at tang­kang pagpatay sa isang mag-live in sa ikinasang operasyon ng awtoridad, kamakalawa sa Baliuag, Bulacan.

Ang suspek na si Jhonny Martinez, 34-anyos, miyembro ng Bahala na Gang, at residente ng San Andres Bukid ay naaresto ng Manila-CIDG sa pangunguna ni P/Ma­jor Delta Navarra, hepe ng CIDG-Manila.

Ayon kay P/Capt. Al­fredo Tan Jr., hepe ng MPD-Warrant and Sub­poena Section, nakipag-ugnayan sa kanila ang CIDG-Manila sa pagtugis sa suspek.

Nakipagkoordinasyon muna ang mga pulis sa Baliuag Police Station para maaresto si Marti­nez sa Dulong Bayan 1st, Brgy. Sulivan ng nasabing lalawigan.

Ang suspek ay inaresto, alas-6:00 ng gabi, sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Thelma Bunyi-Medina, presiding Judge sa Regional Trial Court, Branch 32 ng Ma­nila.

SM food to go Banner Ad

Sa record ng pulisya, binaril at napatay ng tatlong sangkot, kasama si Martinez, noong Marso 18, 2012 sa San Andres Bukid ang biktimang si Jasper Nico Jalarilla.

Nabatid na matapos mapatay si Jalarilla ay binalikan ng mga suspek ang kinakasama ni Jala­rilla na si Ana Rolyne Mercado ng Bo. Sta. Ma­ria, Paco, Maynila pero nakaligtas sa kamatayan ang huli nang barilin.

Nalaman na bukod kay Martinez, patuloy pa ring pinaghahanap ang isa pa niyang kasama, habang ang isa ay una nang naaresto.

Walang nakalaang piyansa sa kasong mur­der ni Martinez, habang P120,000 naman ang piyansa niya sa kanyang kasong frustrated mur­der. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.