Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Killer cop nilibing na

0 176

Inihatid na sa huling hantungan kahapon si dating Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca sa Urdaneta, Pangasinan kung saan doon din siya ibinurol ng kanyang mga kaanak matapos na mamatay sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Kahapon ng umaga ay inilibing si Nuezca sa Urdaneta Memorial Park matapos ang dalawang araw na burol sa bahay ng kanyang kapatid sa nasabing lalawigan.

Naging maayos naman ang burol dahil na rin sa pakiusap ng mga kaanak ni Nuezca na humiling ng seguridad sa pulisya at sa barangay Calubasaan kung saan ito ibinurol.

Matatandaang nitong Agosto 26, 2021 ay hinatulan ng dalawang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong si Nuezca ni Paniqui RTC Branch 106 Judge Stella Marie Gandia-Asuncion, dahil sa pagpatay niya sa mag-inang kapitbahay na sina Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 20, 2020.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pamamaril ni Nuezca sa mag-ina ay na-videohan ng isa sa kaanak ng mga biktima na ini-upload sa social media na matagal naging viral.

Nobyembre 30 naman nang kumpirmahin ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagkamatay ni Nuezca sa loob ng NBP.

Ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, namatay si Nuezca alas-6:44 ng gabi nitong Martes sa NBP Hospital, nag­lalakad umano si Nuezca sa labas ng dormitory building nang bigla itong mag-collapse. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.