Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Killer ng 6 pulis kinorner sa Cotabato

0 127

Tiklo ang tinaguriang most wanted person ng Region 4-A na siyang responsable sa pagpatay sa anim na pulis, matapos ang isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa South Cotabato nitong Lunes.

Kinilala ang suspek na si Mark Anthony Ayug, 37, alyas ‘Mark Anthony Sison’ at ‘Ricky’ sa sinilbihan ng warrant of arrest sa kaso nitong 9 counts of murder sa Quezon Ave., Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato.

Hindi na nakapalag ang suspek ng mapalibutan ng pulisya ang kanyang pinagtataguan. Si Ayug ay lider ng ‘Pogi Sison Criminal Group’ na sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga, gun for hire, robbery hold-up at extortion activities sa Biñan, Laguna at karatig lalawigan.

Base sa ulat ng CIDG, ang grupo ni Ayug ang responsable sa pamamaslang kay Police Sr. Insp. Jerry Uy at lima pang pulis na pawang nakatalaga sa Biñan City Police station.

Pansamantalang nakakulong si Ayug sa CIDG Regional Field Unit 12. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.