Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Killer ng ex-university prexy sa Samar nasakote

0 157

Nadakip na ng pulisya ang nag-iisang suspek sa pagpaslang sa dating presidente ng isang unibersidad sa Catarman, Northern Samar.

Sabi ni Northern Samar Provincial Police Office Director P/Col. Arnel Apud kahapon, inamin ng suspek na si Alvin Piandez, 22, ang pagpatay kay dating University of Eastern Philippines (UEP) President Rolando Delorino subalit giniit niyang napilitan lang siya.

Giit ng suspek, kung hindi umano niya papatayin ang biktima ay ang kanyang pamilya umano ang papatayin ng isang NPA commander, ayon pa kay Apud.

Sa ngayon ay biniberipika pa ng pulisya ang salaysay ng suspek.

Matatandaang si Delorino, 64, ay pinagsasaksak at natagpuan ng kanyang anak na naliligo sa sariling dugo dakong alas-5:45 ng madaling-araw nitong Linggo sa kanilang bahay.

Base pa sa impormasyon ng pulisya, dati nang nakulong si Piandez sa kasong attempted homicide noong Hulyo 2019 at kakalabas lang nito ng kulungan nitong Abril 2021. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.