Abante Tonite Interactive

Killer ni Sharmaine nakonsensiya, sumuko

By
1,221

Pagbaba ng tama ng shabu, nakunsensya umano kaya sumuko sa pulisya ang panguna­hing suspek na sumaksak nang 27 beses at pumatay sa 20-anyos na bagong graduate na kolehiyala noong Biyernes ng madaling-araw sa Bacoor, Cavite.

Kinilala ni Cavite Police chief Senior Supt. William Segun ang suspek na si Andrew Bagawasan, 23-anyos, ng Queens Row Central, Bacoor City, Cavite.

Inamin ni Bagawasan na siya ang sumaksak at pumatay kay Shanmaine Pestaño, 20, sa loob ng tinutuluyang townhouse sa Bacoor City.

Si Bagawasan ay boluntaryong sumuko kay Supt. Vic Cabati­ngan, chief of police ng ­Bacoor, Cavite-PNP.

Nagkaroon ng tensiyon kahapon nang iharap ang suspek sa conference hall ng PNP Region 4-A, Camp Vicente Lim matapos na hindi napigilan ng kapatid at mga kaanak ng biktima na sugurin ang suspek dahil sa ginawa nitong pagpatay sa dalaga na bagong graduate sa kolehiyo.

Sumuko umano ang suspek matapos na makunsensya ito nang humupa na ang tama ng shabu. Nabatid na naka-­droga si Bagawasan nang gawin ang pagnanakaw at pagpatay.

Nabatid na kababata at kaibigan ng kapatid ni Shanmaine ang suspek na nasa watchlist din sa pulisya.

Kasong robbery with homicide ang isinampang kaso laban sa suspek.

Matatandaan na madaling-araw noong Biyernes nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima kung saan nilagare nito ang grills ng bintana sa banyo habang ang kasama nito ay nagsilbing lookout.

Habang nililimas ng suspek ang cash at gadget sa bahay ng biktima, nagising ito at ang 8-anyos na pamangkin na dahilan upang pagsasaksakin ito nang 27 beses sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Isinugod sa Southeast Asian Medical Center ang biktima suba­lit namatay din ito ­kinabukasan.

Nakilala ng bata ang suspek dahil wala itong anumang takip sa mukha.