Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Killer truck inararo 2 trike, 8 nadale

0 79

Isa ang patay habang pito ang sugatan matapos araruhin ng isang trak ang dalawang tricycle sa Maharlika highway, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon Linggo ng umaga.

Ayon sa Pagbilao police, nasawi ang isa sa mga pasahero ng dalawang tricycle.

Kinilala ang nasawi na si Kinley Gregorio Villaflores, 21, estudyante at taga-Camarines, Norte na siyang nagmamaneho sa isa sa mga tricycle.

Kritikal naman ang tatay ng nasawi na si Henry Gregorio Villaflores, 48, na sakay sa unang tricycle.

Agaw-buhay din ang isa pang driver ng kasunod na tricycle na si Gregorio Hernandez, 39, at ang pasahero nitong si Nerissa Villaflores, 45-anyos.

Kabilang sa nasugatan sina Maricel Hernandez Mendoza, 28; at Mumar Villaflores Sanchez, 35, maging ang driver ng nakabanggang truck na si Anselmo Joaquin Celestino Jr., 54, ng Nueva Ecija at kasama nitong si Rommel Catbunton Vazquez, 39.

Galing umano sa lamay ng namatay na kaanak sa Quezon ang mga biktima at pauwi na sa bayan ng Labo, Camarines Norte ang magka-convoy na tricycle nang mangyari ang insidente alas 4:30 ng umaga kung saan grabeng nayupi ang 2 trike habang tumagilid ang 6-wheeler delivery trak. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.