Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Killer whale hinangaan sa Bohol

0 218

sdc

Namangha ang ilang mamamayan nang maispatan ang mga orca o killer whale sa Bohol.

Sa video ni Facebook user Jervz Galido, Hulyo 11, makikita ang paglangoy ng walo hanggang 10 orca sa katubigan sa bayan ng Garcia Hernandez.

Sunud-sunod ang pagbigkas ng “wow” nina Galido, habang sumasabay ang mga nasabing dolphin sa pagbagtas ng kanilang mga bangka.

Kahit “killer whale” ang tawag sa mga orca, hindi sila pumapatay ng tao kundi ng mga hayop na pagkain o kaaway nila. Hindi rin sila balyena kundi pinakamalaking dolphin species sa buong mundo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.