Abante Tonite Interactive

‘Killjoy’ ang SBP!

378

Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging commissioner na PBL o Philippine Basketball League noong dekada ‘90.

Para sa mga manlalaro sa amateur na liga, naisip namin noon na para mahasa ang kanilang mga kasanayan at mapabuti sa kanilang laro, humingi ako ng tulong mula sa Basketball Association ng Pilipinas (BAP) kung paano magpadala ng koponan sa ibang bansa para sumali sa mga torneo na international.

Talagang naniniwala kami na ito ay tamang paraan sa pamamagitan ng international na kompetisyon, para bumuti ang paglalaro ng ating mga amateur na manlalaro. Iba din kasi ang laban sa mga international na torneo.

Abante Hiring – IT dep

Nakuha namin ang dalawang taon na FIBA schedule, at plinano namin magpadala ng mga koponan sa iba’t ibang bansa.

Wala kaming pakialam kung naglalaro ang mga mabibigat na koponan tulad ng Russia, Kazakhstan at iba pang malalakas na koponan, nais lang namin na mag-improve ang ating amateur cager.

Kaya mula 1994 hanggang 1997, nagpadala kami ng mga koponan para maglaro sa ibang bansa katulad ng Taipei Jones Cup, Hong Kong Super Cup, Bangkok Crown Prince Cup, Jakarta Independence Cup, Brunei Games, Singapore Commercial Cup, Kuala Lumpur ABC Champions Cup, Johor Segamat, Guam Friendship Cup, Kuwait Martyrs Cup at iba pang mga bansa.

Ibang experience ang nakukuha ng mga manlalaro natin kapag sumali sila sa mga paligsahan international. Bukod dito, lagi tayo sumasali sa SEABA Games, Asian Games at nung nakaraan, sa FIBA qualifiers.

Ngunit nabigla ang lahat sa decision ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na ikansela ang pagsali natin sa Asian Games. Marami nagtatanong kung bakit?

Nag-aabang ang mga kababayan natin dito at sa ibang bansa para mapanood ang koponan ng Pilipinas sa Asian Games.

Huwag rin nating kalimutan na ang basketball ay ang national sport ng Pilipino, at 79% ng batang Pilipino ay naglalaro ng basketbol.

Kaya nakakalungkot na hindi tayo sasali sa Asian Games.

Meron na ngang koponan na sasali sana, mga miyembro ng TNT Katropa, ngunit nasuspende ang karamihan na manlalaro nito dahil sa naganap na rambulan noon kalaban natin ang Australia sa FIBA qualifiers.

Ang sabi ng SBP, kailangan daw mag-regroup ang Gilas at nakikita nila na baka hindi maganda ang resulta ng pagsali natin.

Kung ako ang tatanungin, unacceptable ito para sa akin. Dapat magpadala tayo.

Payag na nga ang Rain or Shine Team na sumabak. Bakit ayaw ng SBP?

Baka nakalimutan nila ang Olympic Creed na nagsasabi “the important thing is not winning but taking part, it is not conquering but fighting well.”

Ang kuru-kuru nga ay baka raw masira ang schedule ng PBA. Hindi naman siguro. O ayaw magpahiram ng mga manlalaro ang ibang mi­yembro ng PBA?

Nakakalungkot talaga!