Abante Tonite Interactive

Kim, 6 months nagtrabaho sa girlie club!

960
kim-domingo
               KIM DOMINGO

KABADO si Kim ­Domingo nang makatsika namin sa set ng Juan Happy Love Story dahil ganu’n siya sa lahat ng bagay, lagi siyang kina­kabahan.

Kinabahan siya nang rumampa siya sa 100 Sexiest Women event ng FHM nu’ng Martes sa Valkyrie.

First time niyang mapasama sa nasabing listahan kaya ‘yun ang una niyang rampa sa FHM stage.

Kinakabahan din siya sa mga interview, pero happy naman siya.

Masaya ang tisay na Kapuso sexy star dahil tuluy-tuloy ang trabaho niya at parang ang bilis niyang nakilala matapos siyang maging covergirl ng FHM nu’ng December last year.

That month din siya nag-start maging ­parte ng Bubble Gang at March 2016 ay pumirma na siya ng kontrata sa GMA ­Artist Center.

Mas umingay pa ang pangalan ni Kim dahil sa karakter niyang si ­Agatha na kulasisi ni Dennis Trillo sa naughty ­Kapuso series na Juan Happy Love Story.

Bata pa lang ay gustung-gusto nang maging artista ni Kim dahil ‘yun ang pangarap niya.

Nag-audition siya sa PBB ng ABS-CBN at sa Artista Academy ng TV5, pero hindi siya nakapasa.

Nu’ng high school ay nagti-taping-taping na siya bilang talent, na mga tipong kasama lang siya sa crowd.

Nu’ng mag-modeling si Kim ay nanalo siya sa isang contest na paramihan ng benta ng ticket.

Nag-2nd place siya roon at ‘yung perang napanalunan niya ay dinag­dag niya sa konting na­ipon niya at pinan-down niya agad ‘yon ng bahay.

P1.2M na 2-bedroom house sa Novaliches ang kinuha niya dahil doon siya lumaki. 19-anyos siya nu’ng time na ‘yon at hanggang ngayon ay hinuhulugan niya ang bahay na 15 years to pay.

Regalo niya ‘yon sa pamilya niya.

kim-domingo-010
            KIM DOMINGO

Ngayon ay solo siyang umuupa sa isang condo unit sa may Timog Av., Quezon City.

Laking-Novaliches ang sexy at flawless na si Kim, na parang hindi kami maniwalang lumaki siya sa hirap dahil sa kulay at kinis niya pa lang ay hindi siya mukhang poor.

Pranses kasi ang kanyang ama, na ­never niyang na-meet dahil na­anakan lang nito ang kanyang inang dating taga-Tondo.

Hindi alam ng French father niya na nabuntis nito ang madir niya.

Parang maiiyak si Kim nang mapag-usapan namin ito. Sinubukan niyang hanapin ang ama niya, pero hindi ito sakses. Wish niya na makita ito at sana ay buhay pa ang fadir niya.

Ang nanay niya ay nagka-boyfriend noon na dumating sa point na mas pinili nito ang karelasyong lalaki, pero buma­lik din ito at nagkapa­tawaran silang mag-ina.

Mala-teleserye ang buhay ng 21-anyos na Kapuso star.

Natatawa niyang tsika, magsu-shoot na siya sa August ng kuwento ng buhay niya sa Magpakailanman na siya mismo ang gaganap.

***

Inaamin ni Kim na meron tala­gang mga indecent proposal sa mundo ng modeling, pero hindi raw siya pumapatol sa mga gano’n.

“Kasi, kung ganu’n man, ­siguro meron na akong sasak­yan ­ngayon, ‘di ba? Wala pa po akong sasak­yan. Pinag-iipunan ko pa po,” bulalas ng maalindog na da­laga.

kim-domingo
                KIM DOMINGO

Itinanggi niya ‘yung ba­li­tang may nag­regalo sa kanya ng kotse at condo unit. Wala raw gano’n.

Naranasan na niya na may nag-alok sa kanya ng bahay, lupa, sasak­yan at monthly allowance, pero hindi niya raw pinatos. Sinabi niya na ayaw niya.

Hindi dinidiretso sa kanya ang nasabing ­offers, may nagparating lang sa kanya na gusto siyang suporta­han ni ganito o ganyan na pawang tinatanggihan niya.

Aminado si Kim na mas dumami ang indecent proposals mula nang mag-FHM siya at pasukin na ang showbiz.

Inamin din sa amin ng Fil-French beauty na nagtrabaho siya sa isang girlie club, pero hindi sa Pegasus kundi sa Hollywood (sa Timog Av., QC).

Nagbebenta raw siya roon ng Remy Martin na alak. Parang promo girl at inabot siya roon ng 6 months.

Pero hindi siya nagsasayaw roon. As in ­never daw siyang nagsayaw sa club.

Dayalog ni Kim, ­hindi siya ‘yung tipo ng babae na nagsasayaw sa club, tapos ay puwedeng i-take out ng mga kostumer na lalaki.

Anong feeling niya na ganu’n ang akala sa kanya ng iba?

“Syempre, minsan nasasaktan. Kasi, porke pa-sexy ang image mo, iniisip ng tao, pokpokin ka na, ganyan… madali kang makuha, makukuha ka ng pera.

“Pero hindi po, hindi po ako gano’n.”
So, hindi siya POKPOK?
“Hindi po,” mabilis na sagot ni Kim.

***

Pinalinaw na rin namin kay Kim ‘yung narinig namin na naki­pagkita o nakipag-date siya sa isang pulitiko abroad.

“Ayoko na pong… hindi po totoo. Dyusko po! Ha! Ha! Ha!

KIM DOMINGO
                  KIM DOMINGO

“Actually, may kasama po akong isang empleyado ng GMA Artist Center, so ayoko na lang pong idetalye.

“Iba po kasi ‘yung in-expect namin na trabaho. Hindi ko rin naman po alam na gano’n. So, ­ayoko na lang pong idetalye.”

Wala namang naganap na hanky panky o monkey business?

“Ay, wala pong gano’n! May ­kasama rin po akong taga-­Artist Center at saka may kontrata po ‘yun, eh.”

 Dedma lang daw si Kim sa mga politician at businessman na nagkakagusto sa kanya.

Ready na rin siyang maintriga dahil kahit intrigahin daw siya ay wala namang mapapatu­nayan na gawain niya talaga ‘yung ganu’n.

Hindi ba siya nate-tempt sa mga bonggang offer sa kanya?

“Ay, never po. Kasi, kahit nu’ng before pa, bago pa ako mag-­modeling, ang buhay namin mahirap. Hindi ako galing sa mayamang pamilya,” sambit pa ng wapak ang kaseksihan na si Kim Domingo.