Abante Tonite Interactive

Kim at designer nagkapatawaran sa gown controversy

By
0 5,043

Nagkaliwanagan at nagkaayos na sina Kim Chiu at ang designer na si John Herrera tungkol sa “gown controversy” sa nakaraang 66TH FAMAS Awards Night.

Nag-tweet si Kim last Monday night sa designer ang shared the link of an article na lumabas sa PEP.ph na paglilinaw ng kanyang stylist hinggil sa naganap na hindi pagkakaintindihan sa gown.

Sa caption, saad ni Kim, “I hope this clarifies everything sir @johnherreranews and I really hope to meet you personally not through your pep statement or with a third party. We are only doing our job which is our passion. much love and respect sir.”

Sumagot naman kahapon nang umaga si John at nagpasalamat kay Kim.

“Thank you for the love and respect, @prinsesachinita. We at John Herrera value our work as much as the women who wear them. We wish you only the best,” ang tweet ni John

Ipinost din ni Kim sa kanyang IG story ang palitan nila ng personal message ni John kung saan ay makikitang humingi na ng paumanhin sa kanya ang designer tungkol sa luma­king issue at nagpaliwanag na nagkaroon ng confusion sa team nilang dalawa pareho at sa FAMAS na ikinasakit ng kanyang damdamin.

Matatandaang nagsi­mula ang kontrobersiya nang maglabas ng sentim­yento si John sa tungkol sa diumano’y hindi naging­ magandang attitude ni Kim sa kanyang ginawang damit na isusuot sana nito sa FAMAS Awards Night na ginanap last Sunday kung saan ay isa ang aktres sa mga host along with Piolo Pascual and Robi Domingo­.

Ayon kay John, kinausap siya ng pamununan ng FAMAS para damitan ang tatlong host.

Pero somewhere along the way ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ni Kim kaya ang ending ay ibang gown ang isinuot ng aktres sa awards night.

Kinabukasan after the awards night ay nagpaliwanag naman ang stylist ni Kim na si Patty Yap na hindi sila ang kumuha for John para mag-design ng gown ng aktres kundi ang FAMAS.
“It was absolutely okay with Kim to wear his creation­, but it was John who backed out, as mentioned on his last message.

“Lastly, I believe the miscommunication was with FAMAS and not with Kim’s camp as he was coor­dinating everything with them, including the fitting schedule, as mentioned by him and the FAMAS representative.

“Kim is totally unaware of this; all she knows is there’s a gown from John,” ang paliwanag ng stylist ni Kim.

Well, at least, all’s well that ends well at ang importante ay nagkalinawan na ang magkabilang side.

In fairness to John, maganda rin naman ang design niya na ginawa for Kim and the same way na maganda rin ang isinuot ng aktres sa awards night na gawa naman ni Benj Leguiab IV.

***

MAY nagpadala ng bouquet of red and pink roses with yellow tulips kay Kris Aquino kahapon at ipinost niya ito sa kanyang Instagram account. Ang nakakaaliw, sa caption ay nagpasaring siya sa kanyang mga basher.

Kris pinadalhan ng bulaklak ng batang abogado

“Sa mga nega na sa­sabihan na naman ako na pinadala ko sa sarili ko- i shall repeat kahit mayabangan kayo sa kin (inamin ko naman- HUMILITY is super hard for me)- i can buy the entire stock of @theglasshouseflowers (in fact they have created for me special Kris gifting boxes & personalized signature crystal boxes),” ang bahagi ng caption ni Kris.

Sinabi naman ni Kris din sa kanyang caption kung sino ang nagpadala ay ang bago niyang friend na nakilala sa Twitter, ang batang-batang abogadong si Atty. Gideon Pena.