Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim ayaw ilampaso si Kris

0 199

NI: ARCHIE LIAO

Kahit pa siya ang tinagurian noong Princess of Horror Movies, aminado si Kim Chiu na takot siya sa multo.

Sa mga horror films daw niyang ginawa, ilang beses na siyang nakaranas ng mga kababalaghan tulad ng mga pinaniniwalaan niyang mapagmatyag na mga espiritu.

Karamihan daw kasing lokasyon ng kanyang mga pelikula kundi man lumang building ay napabalitang haunted houses.

Sa kanyang bagong hugot sa IG, inamin niya na kinilabutan talaga siya nang ipaalam sa kanya na may nakitang scary creature sa kanyang picture.

Sey ng di makapaniwalang netizen, baka raw anino lang ito o bunga ng optical illusion.

Hirit naman ng ilan, tila habulin daw talaga ng multo ang Tsinitang aktres.

Bukod sa paranormal beings, hinahabol pa rin daw ito ng multo ng nakaraan.

Hanggang ngayon kasi, may trauma pa rin ang aktres sa pagsakay sa van dala ng shooting incident na nangyari sa kanya noong Marso.

Anyway, binansagang Millennial Horror Queen si Kim. Pero ayaw niyang ilampaso o agawan ng trono si Kris Aquino.

“Si Ate Kris (Aquino) will always be the ultimate horror queen.Kung may mga mayor sa kanya-kanyang distrito, ganun na lang yung tingnan natin. So madami kami. Siya talaga mag-isa at walang makakagalaw nun. So, sa ibang barangay ako. Ibang distrito po ako. Pero lahat ‘yun ‘queen’ pero mas malayo na ‘yung siyudad niya sa siyudad ko.

“Meron lang akong millennial . Meron lang dinagdag na word na millennial,” deklara niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.