Abante Tonite Interactive

Kim ayaw sumawsaw kina Bea, Gerald, Julia

421

Sa true lang tayo, ang diva that you love, lugod na lugod kay Kim Chiu, agad-agad kasi nga, ang pamamaraan kung paano niya sinagot ang tanong tungkol sa bizarre love triangle nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto, nakakatuwa.

It showed kasi na she has so moved on sa relasyon nila ni Anderson dati at wherever she is right now, she is in a stable, secure and happy place.

Emotio­nally intelligent na talaga siya. Hindi siya sumasawsaw. Mas lalong hindi patola ang paborito niyang gulay. At hindi siya lumalaklak ng bitter herbs capsules. Mas lalong hindi siya nagdagdag ng gaas para lalong lumaki pa ang apoy na sa kasalukuyan ay tila humihina na.

Ang dabarkads, wala na masyadong pakialam sa mga post ni Gerald. Ang balana, hinihikaban na lang ang mga pag-like ni Barretto sa posts ni Anderson.

Pati nga ang emote ni Julia na mahal na mahal niya forevermore si Joshua Garcia, marami ang nanalig na damage control na ito para naman hindi maisama ang kanilang paparating na pelikulang “Block Z” sa list of movies that flopped bigtime in 2019.

Ang kanyang reaction sa tanong kung may opinion siya tungkol sa tatlo: “Wala. Hindi na. Huwag na tayong sumali doon kasi lahat naman sila may pinagdadaanan sila ngayon. Siyempre, hindi biro iyon. Masakit iyon, so lahat sila may pinadadaanang pain. So respetuhin na lang natin ang mga desisyon nila.”

Ang katotohanan kung sino ang maysala, kung sino ang dakila, sino ang martir, sino ang sinungaling at kung sino ang tunay na baliw sa masalimuot na kaganapang tiyak naman, hindi gustong maging bida nina Alonzo, Anderson at Barretto, sa tamang panahon, malalaman na­ting lahat.

Kaya please, spare na natin si Kim Chiu at lahat ng mga babaeng mga nakalipas na ‘di na maaaring balikan ni Mr. Anderson.

Bunso ng DongYan artistahin

Ang mga anak talaga nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, sina Zia at Ziggy, ay mga buhay na patotoong sila ay improvement of the Dantes and Rivera race.

May mga bagong IG photo posting ang mag-asawa na talaga namang kitang-kita na agad na ang bago nilang bunso, artistahin looks na agad.

Ang diva that you love, bet na bet ang photo ni Dantes na may label na, “Si Datird at si Daport” kung saan karga-karga ni Papa Jose Sixto ang kanyang anak na lalaki at pareho pa silang nakangiti.