Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim ayaw sumawsaw sa JuRald

0 337

Nakatikim na naman ng pang-aalaska’t pangangantyaw si Kim Chiu mula sa co-host ng It’s Showtime na si Vice Ganda. Timing naman kasi ang pagge-guest ng komedyanteng si Jerald Napoles bilang hurado sa Versus segment.

Nang i-introduce ni Vice si Jerald, sey niya sa theater actor/comedian, “oy Jerald, napanood ko ‘yung interview mo kay tito Boy, ha? Pasabog ka, ha?”

Siyempre, ang tinutukoy ni Vice ay si Gerald Anderson na umamin nga sa relasyon nila ni Julia Barretto sa tell-all interview with Boy Abunda.

Sumakay naman si Jerald at aniya, “20 minutes din ‘yun, no?”

Tawanan sina Vice and Jhong Hilario.

“Ang dami kasing nagta-tag sa akin. Ganu’n na pala ‘yung hitsura ko ngayon,” sey pa ni Jerald.

Isa rin si Kim sa hurado kaya nang ipakilala siya, tanong ni Vice sa kanya, “happy naman kayo ni Jerald diyan?”

Na-speechless muna si Kim for a while bago sinabing “ayokong sumali diyan” sa pag-aakalang si Gerald ang tinatanong sa kanya.

Ikinorek naman ni Vice at sinabing “kayo ni Jerald, happy kayo ni Jerald diyan?”

Saka pa lang nakasagot si Kim. “Happy kami rito ni Jerald at saka ni Roxanne (Guinoo, isa rin sa hurado).”

Tawa nang tawa si Vice at kantyaw niya, “obvious, ah.”

Nakisakay na rin si Roxanne at sey niya, “Kimerald pala ‘to, Kimerald.”

Tawa pa rin nang tawa si Vice Ganda na halatang nambubuwisit talaga.

Maris sasampalin ng ermat sa tattoo

Lumitaw ang kaseksihan at pagka-hot ni Maris Racal sa isinagawa niyang ABG (Asian Baby Girl) transformation sa kanyang YouTube vlog. Talagang nag-iba ang kanyang hitsura at bumagay naman talaga sa kanya.

Makikita sa kanyang vlog ang step by step process kung paano niya ito ginawa mula sa pagme-make-up hanggang sa paglalagay ng fake nails ang fake tattoos sa dalawa niyang braso.

“Feeling ko, ibang tao ako, guys, feeling ko masasampal talaga ako ng nanay ko,” sey niya matapos niyang maglagay ng tattoo.

Tatlong outfits ang kanyang isinuot pawang mga sexy talaga na ang isa ay naka-jogging pants lang siya and black brassiere.

Ipinost niya rin sa kanyang Instagram page ang ABG look niya wearing the 3 outfits at talaga namang pinuri-puri ito ng kanyang mga fans and netizen.

“GRABE ANG GANDA AT ANG SEXY LAHAT!!!” reaksyon ng isang fan.

“The last outfit was the hottestttt,” komento naman ng isa.

May nagsabi ring para siyang Nadine Lustre at Rhian Ramos sa kanyang look.

“Walang tapon… lahat pasado sa taste namin! Soooo hot and sexy pero andun p din ang innocent look,” komento ng isa pa niyang fan.

“I loveee all the outfits and your look pero GRABE LAST OUTFIT PASABOG!!!!” saad pa ng isa.

We also learned sa comment section na “all-purpose queen” pala ang tawag ng mga fan niya sa kanya.

“SOO HOT AND GORGEOUS MARISS RACALL GRABEE OUR ALL PURPOSE QUEEN INDEED!!! YOU FREAKING NAILED ITT GRABE MARISS HUHUH,” komento ng isa niyang fan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.