Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim babawian ng trono

0 362

Umugong ang balitang magiging Dabarkads na si Maja Salvador dahil join na siya sa isang dance segment ng Eat Bulaga.Nagkaroon naman ng espekulasyon na muling mabubuhay ang rivalry nila ni Kim Chiu.

May balita kasing sobrang na-impress kay Maja ang producers ng nabanggit na longest-running noontime variety show sa pagiging judge nito ng POPinoy.

Ang nasabing show sa TV-5 ay iprinodyus ng Archangel Media, na subsidiary ng APT Entertainment at TAPE, Inc.

Dahil sa pangyayaring ito, pinangungunahan na ng mga miron ang nakaambang salpukan ng dalawa .

Kung sa ASAP na lamang napapanood ang pagsasayaw ni Kim, pihado raw na muling hahataw ito sa dance floor sa It’s Showtime para tapatan si Maja.

Sa kaso raw naman ni Maja, naghahanda na raw ito para bawiin ang korona o titulong reyna ng dance floor kay Kim .Napunta ito sa huli mula nang mag-ober da bakod ang una sa Singko.


Piolo ‘sinalakay’ sa kuwarto

Sa kanyang online show na Good Vibes with Edu, nakapanayam ni Edu Manzano ang mga miyembro ng grupong The Hunks na sina Piolo Pascual, Bernard Palanca at Carlos Agassi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa tatlo, hindi nila makakalimutan ang nasabing all-male group dahil isa ito sa humubog ng kanilang career.

Marami na rin daw silang pinagsamahan dahil sa kanilang nabuong grupo.

Naging instrumento rin raw ito na marating nila ang iba’t-ibang lupalop ng mundo lalo na’t kung meron silang shows.

Aminado naman silang na-enjoy nila ang kabanatang iyon ng kanilang kabataan .Marami silang mga tagahangang pinakilig lalo na kung nagto-topless sila.

Pagbabahagi ni Papa P, isa raw sa hindi nila makakalimutang karanasan ay noong nag-show sila abroad kung saan isang fan ang nag-stalk sa kanila.

Sinundan daw sila nito sa kuwarto ng hotel na kanilang tinutuluyan.

Dahil pakiwari nila’y na-violate ang kanilang privacy, naisumbong nila ito sa kinauukulan noon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.