Abante Tonite Interactive

Kim bagong ‘Laplapan Queen’

0 2,501

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Shookt ang lahat at hindi man articula­ted, puwede ba na­ting sabihin na indicator ito na ang mga press peeps na imbitado, takang-taka, tuliro, gustong mahibang at pinigil na lang itanong na, “Nagdeliberasyon pa kayo sa lagay na iyan?” Hahahaha! Ang savage!

Sa Rainbow’s Sunset, walang dudang all out melodrama ito kasi nga bizarre love triangle with a pink twist ang pelikula ni Direk Joel Lamangan.

Sure akong marami ang curious sa kakaibang pagmamahalang pinagsaluhan nina Eddie Garcia at Tony Mabesa at kung paano naging giving at willing third angle to a love triangle si Ms. Gloria Romero.

Ang One Great Love, pakiwari ko, gusto patunayan ni Kim Chiu na puwede na siyang itanghal bilang mahusay na aktres at gusto niyang i-assure ang lahat na gumagalaw pa ang kanyang mukha!

Panalo si Chiuchay kasi may laplapan na siya kay Dennis Trillo, may bath tub scene at laplapan rin siya kay JC de Vera. Ang ganda ng hitad, ‘di ba? Sa wakas, sa pelikula ni Direk Eric Quizon, dala­wang barako ang nakalap­lapan niya, huh!

Kaya, my dear Abante Tonite readers,­ mananalig na ba tayo na si Kim na ang bagong Laplapan Queen? Panalo ang bago niyang title, ‘di ba?

Banking on real life sisters at ang chance na meron nga silang pinagdaanang sibling rivalry, ang Mary, Marry Me, hindi lang sila pampamil­ya, pam-film fest pa sina Toni & Alex Gonzaga at ang kanilang hamon para ngayon Pasko, si Sam Milby.

Ang huling finished film, na tila ipagpapa­tuloy ang Pamaskong tradisyon na manakot, magpasigaw, magpatili at manindak ay ang Otlum.

Sa true lang, anything with Kiray Celis is always frightening at ang biggest come on talaga nito, ang basketball player na si Ricci Rivero dahil nga marami ang nanalig na papable papa ang binata.

Masyado bang pang-gold standard of perfection ang ginawang pamimili? O look na lang muna tayo sa sky, tanungin ang buwan kung bakit ang mas inaasahang makapasok na Born Beautiful, Right To Kill at Man and Wife eh ‘di pinalad?

Richard, Dingdong pantay ang exposure

Ang four finished scripts, finished films na rin ba? Ang Aurora, visually stunning, creepy at sa teaser pa lang, alam mong technically polished. Sana naman ang narrative nito, maalagaan din.

Ang Fantastica: The Princesses, The Prince and The Perya, kung saan bida si Queen Bayot Vice Ganda, how true na may isang komedyanteng bakla na maging prinsesa rin at ang ka-level niya lang naman ay sina Maris Racal, Loisa Andalio and Maymay Entrata?

Sino talaga ang the Prince, si Richard Gutierrez ba o si Dingdong Dantes? May katotohanan nga kaya ang chika na noong una, mas mahaba raw ang screen time ni Dantes kesa kay Chard at ngayon nga, totoo nga rin bang halos pantay na ang exposure nina Dingdong at Gutierrez? How true rin kaya ang chika na pasok sa pelikula ang anak ni Richard, si Zion Gutierrez? Ang panganay kaya ni Chard ang talagang Prince?

Ang Girl In The Orange Dress, sa teaser nito, best in English at yayamaning accent sina Jessy Mendiola at Jericho Rosales.

Sa pelikula ni Direk Jay Abello, may special appearance si Jennylyn Mercado, na dating kapareha ni Echo, at si Luis Manzano na dating kasintahan ni Jen at sa kasalukuyan, ay iniirog ni Mendiola.

Ang Popoy En JACK: The PulisIncredibles, ang unang pagsasama nina Bossing Vic Sotto at Kuya Cardo nating lahat, si Coco Martin sa teaser nito kita agad na ginastusan ang mga action sequence, best in pasabog agad, best in slow motion.

Refreshing rin to see Martin na very, very light ang katauhang ginampanan at panalo ang mga pasimpleng the moves niya kay Maine Mendoza, huh!

Parang bumente anyos ang aura at kaguwapuhan ni Rodel kapag kaeksena si Nicomaine, a new love team is born, indeed!

Vic Sotto is Vic Sotto kaya to see him nakikipagbakbakan at barilan na may kasamang Bossing humor, sa mga dabarkads at madlang pipol, tiyak they will love the film and Sotto even more!