Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim balik-taping na sa ‘It’s Showtime’

0 1,022

Nang kamustahin namin si Kim Chiu sa isang kaibigan, sinabi nitong magbabalik taping at live ngayon ang aktres for ‘It’s Showtime’ .

Matatandaang isang buwan na halos ng tumigil ang taping ng masabing programa. Ang dahilan na nilabas ay para sa safety ng lahat since tumaas na naman ang kaso ng may Covid.

Bakla ako-Gardo

Walang ka-effort effort talaga ang pagiging funny ni Gardo Versoza. Sa mga Tiktok pa lamang niya ay marami ng naaaliw.

Nakakaray niya sa kanyang Tiktok maging ang mga artistang walang hilig dito tulad nina Daniel Padilla at Kahtryn Bernardo.

SM food to go Banner Ad

Isa pang nakakatuwa niyang post sa kanyang IG account ay ang throwback picture niya na naka-trunks at seksing seksi. Bagets pa siya rito na malamang ay kuha sa isa sa mga sexy photos niya nu’ng nasa Seiko Films pa lamang siya. Marami ang pumuring netizen sa ganda ng katawan niya at kagwapuhan pero may isang hindi nakatiis na nagtanong kung bakla ba ang aktor. Game niyang sinagot ito ng “Hahaha, Oo, baklang bakla ako.” Natawa na lamang ang ibang netizen sa sagot na ito ni Gardo na obvious namang nagpapatawa.

Ai Ai, Gerald kineri 7 taon pagsubok

Ang trial years daw ng mag-asawa ay 7 years. Kung malagpasan daw ang taon na ito ay magiging matibay na ang pagsasama ng isang couple. Masayang pinost ng komedyana ang 7th year anniversary nila ng asawang si Gerald.

Sa kanyang IG account ay pinost niya ang simpleng dinner nila sa labas lamang daw ng bahay. Pero ang nakakatuwa ay ang damit na mala- Filipiniana na suot niya.

Mag- out of town sana ang mag-asawa for the occassion pero dahil nga sa naghigpit na naman at tumaas ang kaso ng may Covid, ay sa bahay na lang muna sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.