Abante Tonite Interactive

Kim, Bela walang pikunan

By
795

tonite-imo-vinia-vivarItinanggi ni Bela Padilla na nagkapikunan sila ni Kim Chiu sa nakaraang guesting nila sa ‘Gandang Gabi Vice’.

May mga nag-react na mga netizens kasi na tila nagkalaglagan na ang magkaibigan nang gabing iyon at nagbukingan sa kani-kanilang love life.

Ibinuking ni Kim na may nanliligaw na G Force dan­cer kay Bela habang ang huli naman, kumanta ng ‘Bakit Labis Kitang Mahal’ nang ipakita ang larawan ni Gerald Anderson bilang pangangantyaw kay Chinita Princess.

Hindi nagustuhan ng mga fan ang biro ni Bela kay Kim about Gerald dahil may kanya-kanya na raw karelasyon ang Kimerald.

“Dami naman naming kinakanta nang araw na ‘yun. Saka napuruhan din ako. Pero naiintindihan ko kasi fans ‘yan, eh.

Iba ‘yung bugso ng damdamin nila. Pag may naiisip sila, pag nasaktan sila, nasasaktan sila. So I understand,” paliwa­nag ni Bela nang makatsikahan namin sa presscon ng ‘The Day After Valentine’s’ movie nila ni JC Santos.
Sa kanilang dalawa ni Kim ay wala raw ‘yun at hindi sila nagkapikunan. In fact, sobrang nag-enjoy daw sila sa guesting na ‘yun.

“Ganu’n kami ni Kim, kahit behind the scenes at hindi naman nila alam ang nangyayari. After ng GGV, kumain pa kaming tatlo nina Vice sa labas, so kami, okay kami, eh.”
Kaya nagulat din daw siya sa mga reaksyon ng fans.

“Kasi nun’g mismong araw ng GGV, puro positive (ang reaksyon), pero the next day, siguro, nakapag-isip-isip na sila, nagkakuwentuhan na sila na “bakit ganun?”, tingin ko ‘yun ‘yung nangyari nun’g the next day na siya lumabas. Pero okay naman,” paha­yag pa ni Bela.

Pero nag-text naman daw siya agad kay Kim the next day matapos niyang makita ‘yung mga negative comment.

“Nag-text ako na “Kim, may nasabi ba ako na na-offend ka or something?” Sinabi niya, wala. Tapos pinagtawanan lang din namin ulit. Sabi ko, “kung mayro’n man, sorry.” Kasi siya rin, eh. Pinupuruhan niya rin ako ng GGV.
“Siyempre, iba ‘yung pagka-edit naman din du’n sa napapanood namin. Ang dami niya ring binuking sa akin, eh. So, alam mo ‘yun?” sey pa ni Bela.

Samantala, showing na sa Aug. 15 ang The Day After Valentine’s bilang isa sa mga official entry ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.