Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim bigo kay Victor Wood

0 993

NI: ROLDAN CASTRO
Grabe ang pasilip ni Kim Rodriguez dahil sa tuktok ng bundok siya nagbikini.

Reaksyon nga ni Teejay Marquez,’iba rin.’

Talagang ninamnam ng Kapuso actress ang summer at todo ang kanyang paliyab.

Anyway, bago siya nagpunta sa Treasure Mountain ay very vocal si Kim na nalungkot siya sa pagyao ng Jukebox King na si Victor Wood. Bigo raw siya na makita ito ng personal.

“Sobrang nanghihinayang ako kasi ni hindi ko man lang siya nakita o nakilala man lang during the time na nagsu-shooting kami ng Jukebox King The Life Story of Victor Wood na base sa buhay niya,

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ni minsan kasi di nakapasyal si sir Victor sa shooting na nandoon ako. Wala talagang chance na ma-meet ko siya in person,” sambit niya.

Pamilyar siya kay Victor dahil kinalakihan niya ito. Paborito raw patugtugin ng kanyang lola tuwing umaga ang mga awitin ni Wood.

“Sad talaga ako dahil ‘di ko siya na-meet at hindi man lamang niya napanood yung movie tungkol sa buhay niya,” lahad pa ni Kim.

Makakasama ng aktres sa pelikulang ‘Jukebox King The Life Story of Victor Wood’ si Mart Escudero under EBC Films.

Leave A Reply

Your email address will not be published.