Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim ‘binaboy’ ng vlogger

0 350

Natupad na rin ang wish ni Kim Chiu na maka-collab ang kapuwa YouTuber na si Zeinab Harake sa kanyang vlog.

Sa episode na “Arat Na”, sumalang sa kakaibang challenge ang dalawa. Kailangan nilang sagutin ang mga tanong na inihanda sa kanila ng kanilang team.

Sa category challenge, ang sumablay ay pipintahan ng nakaiskor sa mukha nang nakapiring.

Sa salita nga ng dalawa, handa na raw silang makipagbabuyan sa isa’t-isa.

Pumalya si Zeinab nang hindi niya ma-enumerate ang heroes na kasama sa Avengers.

Sey ni Zeinab, mas pamilyar daw kasi siya sa super heroes sa pelikula ni Vice Ganda na “Gandarrapiddo: The Revenger Squad.”

Kinapos din siya ng sagot tungkol sa branded items na kabisado niya.

Hirit niya, pang-jologs daw siya kumpara kay Kim na may collection ng Gucci, Hermes, Chanel, Louis Vuitton, Balenciaga, Yves Saint Laurent, Givenchy, at Dior.

Dalawang beses namang nakapuntos si Zeinab laban kay Kim nang bigo ang chinita princess na isa-isahin ang mga kilala niyang YouTubers at brand ng kotse.

Sa huli, nagmukhang payaso si Kim dahil sa lipstick, foundation at iba pang ipinintura sa kanyang mukha ni Zeinab.
Nag-enjoy naman ang dalawa sa kanilang ‘pambababoy’ sa isa’t-isa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Vilma boto sa romansang Edu,Pie

Sa vlog na “Luis Listens to Momski’s Revelations” sa YouTube channel ni Luis Manzano, nagkaroon ng pagkakataon ang TV host-actor na tanungin ang kanyang ina ng ilang personal na mga bagay.

Sa kanilang tsikahan, napag-usapan nila ang tungkol kay Edu Manzano, ama ni Luis.

Pagbabalik-tanaw ni Vilma, noong makilala raw niya si Edu ay handa na siyang i-give up ang lahat pati na ang kanyang karera . Pero may mga naganap daw na kumplikasyon na minsan ay hindi maiiwasan na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.
Ayon naman kay Luis, isa raw sa ipinagpapasalamat niya sa kanyang mga magulang ay ang suportang ibinibigay nito sa kanya sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

Pagbabalik-tanaw pa niya, never din daw nawala sina Vilma at Edu sa mga importanteng ganap sa kanyang buhay tulad sa mga aktibidades sa iskul.

Isa rin daw sa ipinagmamalaki niya ay ang good words na naririnig niya tungkol sa reputasyon ng kanyang ama sa mga taong nakatrabaho nito.

Sey naman ng Star for all Seasons, sobrang proud din siya sa kanyang anak na si Luis dahil kung ano man ang narating nitong tagumpay sa sarili tulad ng pagnenegosyo ay sa sariling sikap nito.

Sa isyu naman ng relasyon nina Edu at Cherry Pie Picache, ayon kay Ate Vi, never daw siyang nakialam sa personal affairs ni Doods.

Gayunpaman, very happy raw siya para sa kanyang ex at kay Pie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.