Abante Tonite Interactive

Kim binatikos sa pagbungisngis

4,978

tonite-imo-vinia-vivarAyon kay Kim Chiu, noong una raw ay masipag siyang magsasagot sa mga comment sa Instagram kahit pa nga ‘yung mga hindi magagandang komento. Pero ngayon daw ay dedma na siya.

“Dati kasi, sumasagot ako, eh. Tapos parang naisip ko, para saan? Para sagutin ko siya, ba’t ako magpapaliwanag eh Instagram ko ‘to, post ko ‘to,” sey ni Kim sa panayam niya sa Pareng Partners na programa ni Jorge Cariño at Anthony Ta­berna sa ABS-CBN.

Natanong din si Chinita Princess sa komentong masyado raw siyang bungisngis sa pagho-host niya.

“Wala akong magagawa, eh masaya ‘ko, eh. Ala­ngang umiyak ako. Pag minsan naman, sasabihin na, “ang tahimik naman ni Kim, alisin na siya diyan!” So, parang saan ka lulugar?” sagot niya.
Pero naniniwala naman daw siya sa constructive criticism para raw maayos niya kung ano ba ang kanyang mali.

Isa si Kim sa may mga milyon-milyong follo­wer sa social media at sey niya, siguro raw ay dahil araw-araw siyang nagpo-post.

“Para akong mini-reality show sa IG story ko,” sambit pa niya.

Lahat daw ay ipino-post niya sa social media, kaya kung gusto n’yo raw siyang makilala ay pasukin n’yo lang ang kanyang IG.

Gretchen sinupalpal ang tumawag ng ‘dakilang kabit’

Ang bongga ng sagot ni Gretchen Barretto nang tawagin siyang ‘kerida’ at ‘dakilang kabit’ ng isang basher.

“Old news. Yes , I am all that you say I am & you follow me on Instagram. I Rock, rule & REIGN.

“I am who is am & I so Loooove it & you Die in ENVY burn , burn, burn.

“I am the kabit who will live Happily ever after & YOU WILL BE THE ENVIOUS WHO WILL DIE EACH TIME YOU SEE ME SOAR HIGH. Rest In Peace envious bitch. I shall soar high while you die,” ang sagot ni Greta sa basher.

Ang dami ring natawa at sumuporta sa smart na pagtataray ni Gretchen at nagsabing kahit ano pa siya ay tanggap nila ang aktres at idol pa rin daw nila.

Jennylyn may bagong serye sa September

Pahinga muna ngayon ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado pagkatapos ng serye niyang ‘The Cure’. But not for long dahil magsisimula na rin siya kaagad sa September ng bagong soap niya na magiging opening salvo ng GMA-7 for 2019.

Sa ibang bansa kukunan ang ilang mahahalagang eksena sa bagong soap pero hindi pa puwedeng i-reveal kung saan. Pati ang lea­ding man ay bawal pa rin daw sabihin.

Pero at least, may isang buwan pa si Jen para makapag-rest at makasama ang kanyang unico hijo na si Alex Jazz. Sa latest Instagram story nga ng aktres ay nag-post na siya ng bonding moment nila ng anak.

Kasabay nito ay tuloy-tuloy pa rin daw ang work-out ni Jen bilang paghahanda sa kanyang bagong proyekto na romantic-comedy naman daw this time.