Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim ‘binalewala’ sa Showtime

0 130

Viral ang cryptic post ni Kim Chiu tungkol sa kanyang emote na feeling niya ay taken for granted na siya.

Kinonsole naman siya ng boyfie na si Xian Lim at sinabi nitong huwag pagdudahan ang kanyang self worth.

Pahaging pa ni Xian,kung may tao mang ini-ignore siya, lagi raw nitong iisiping mas marami raw ang nagmamahal sa kanya.

Ipinagpalagay naman ng mga faney na may kinalaman ang hugot ni Kim sa exposure niya lately sa It’s Showtime.

Dati kasi, siya ang madalas makabatuhan ni Vice Ganda ng jokes sa major segments ng noontime variety show.

Marami rin ang nagsabing kahit minsan ay sablay, hindi pa rin daw matatawaran ang energy nito.

Katunayan, nang magpahinga si Anne Curtis sa hosting ng show, siya ang nagpuno ng void na iniwan nito.

Pero for the past several days, animo’y may gag order ang actress dahil limitado lang ang linyang binibitiwan niya It’s Showtime.

Pansin din ng mga netizen, lately parang pang opening at closing na lang ang spiels niya sa show.

May mga pagkakataon pa na nasa isang sulok lang siya at nakatunganga habang pinapanood ang iba niyang co-hosts.

Gaano katotoo ang chismis na nai-insecure ang iba niyang co-hosts dahil nasasapawan sila ng chinita actress sa show?

SM food to go Banner Ad

Ito raw kaya ang dahilan kaya binawasan ang exposure niya sa nasabing show.

Matatandaan kamakailan ay naging emosyonal siya sa pagsasabing aware siya na may mga co-host na hindi siya tanggap sa It’s Showtime .

Ivana ginisa ng utol kay Joshua

Nauurot ngayon si Joshua Garcia sa sexy actress at YouTuber na si Ivana Alawi.

Hirit ng bitchy netizens, ang Fil-Moroccan beauty raw ang ipinagpalit nito sa ex na si Julia Barretto.

Sa latest vlog kasi ng second anniversary ng pamilya Alawi sa kanilang YouTube channel, nagbigay ng sweet message ang actor para kay Ivana.

Nasorpresa naman si Ivana sa pagbati sa kanya ni Joshua.

Nang matapos ang video greeting, hindi naman napigilan ni Ivana ang kiligin at tanungin ang utol na si Mona.

“Nakakahiya ka! Minessage mo si Joshua Garcia, anong sinabi mo, na crush ko siya ‘no? Mona, anong sinabi mo? Sabihin mo na sakin,” pangungulit ni Ivana.

Reply naman ni Mona: “Hi Kuya Joshua, pwede po bang manghingi ng video greeting kasi crush ka ng ate ko.”

Pakiyeme naman ni Ivana kay Joshua : “Pasensya na sa kapatid ko, hindi ko alam kung san niya nakuha yung confidence niya.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.