Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim binuwisit si Vice

0 339

Inirereklamo ni Vice Ganda si Kim Chiu na binuwisit daw siya kaya hindi siya nakatulog noong isang gabi.

Kuwento ni Vice sa It’s Showtime, buhat nang dumating daw siya galing sa America ay maaga na siyang nakakatulog pero dahil kay Kim ay bumalik na naman daw sa 4am ang kanyang tulog.

“Kanina bumalik ako sa alas-kuwatro. Binuwisit kasi ako ni Kim Chiu,” reklamo ni Vice.

Tanungan ang mga co-host kung ano raw ang ginawa ni Kim. Pinakuha ni Vice ang kanyang cell phone para ipakita ang ebidensya.

“Si Tyang Ami (Perez) kasi, nakabalik na galing bakasyon. So nagtsitsismisan kami ni Tyang Amy, harutan kami nang harutan (over the phone). Tapos, biglang nag-text (si Kim),” kuwento ni Vice.

Basta late hour na raw ‘yun at ang text message raw ni Kim, “Ma, gising ka pa?”

Kuwento ni Vice, natakot daw siya sa text ni Kim kaya nagpaalam siya agad kay Amy.

“Siyempre, di ba, itext ka ni Kim ng ‘ma, gising ka pa?’ ng late, hindi ka ba matatakot?’” sey pa ni Vice.

Tinanong daw niya agad si Kim kung ano ang tsika. Pagkatapos nito ay bigla raw may pumasok na voice tone sa cell phone niya mula sa aktres.

“Parinig naman,” sabi ng mga co-host.

Hinanap ni Vice Ganda ang voice mail ni Kim at ipinarinig sa show. Ang aktres naman ay panay ang tawa all throughout habang nagkukuwento si Vice.

Sa voice mail ay maririnig na kumakanta si Kim ng Jubilee Song ni Jamie Rivera. Pagkatapos kumanta ay nag-goodnight pa siya kay Vice.

SM food to go Banner Ad

Sey ng TV host/comedian, hindi na raw siya nakatulog matapos marinig ang kanta ni Kim at ni-haunt daw siya ng boses ni Chinita Princess.

Nagpaliwanag naman si Kim. “Sabi mo kasi, nahihirapan ka matulog, so, tumulong ako na ihele ka,” aniya sabay tawa.

Atienza tinanggi ang parinig sa ‘It’s Showtime’

Nagpaliwanag na si Kim Atienza hinggil sa isang comment niya sa social media na inakala ng marami na “parinig” sa It’s Showtime.

Nagsimula ang issue nang irepost ni Camille Prats last Friday ang post ng kuya niyang si John Prats kung saan ay masayang inaanunsyo ng aktor na isa na siya sa direktor ng Ang Probinsyano.

Sa comment section ay nagkomento si Kuya Kim ng “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord ‘no? Iniwas niya sa sakit ng ulo.”

Of course, naloka ang mga netizen at inisip na ang “sakit ng ulo” na tinutukoy ni Kuya Kim ay ang ‘It’s Showtime’ na dating idinirihe ni John.

Dahil dito ay katakot-takot na pangba-bash ang naranasan ni Kuya Kim mula sa mga netizen lalo pa nga’t dati ring siyang nasa “It’s Showtime.”

Sinabihan siyang walang utang na loob, bitter, back-stabber, walang loyalty, etcetera. Although may mga nagtanggol din naman sa kanya na nagsabing intindihin muna ang mensahe niya.

Sa kanyang tweet kahapon ay nilinaw ni Kuya Kim na wala naman daw siyang masamang ibig sabihin sa kanyang komento.

“I didn’t mean anything negative w my comment. Being a friend of Direk Bobet, I know how difficult it is to direct a live show. Masakit talaga sa ulo, multitasking w a skeleton crew etc. I love my showtime family and will never say anything bad about them. Be safe everyone,” ang tweet ni Kim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.