Abante Tonite Interactive

Kim Chiu, Kristoffer Martin excited: Blackpink nasa ‘Pinas

431

Rose Garcia

Dumating kahapon sa bansa ang pinakasikat na girl group ng South Korea ngayon, ang Blackpink.

As expected, sinalubong ng mga Blinks (tawag sa fandom ng grupo) sa NAIA ang apat na miyembro nito.

Ang Blackpink ay binubuo nina Jisoo, Jennie, Rose and Lisa.
Kahapon ang meet and greet sa Samsung Hall ng SM Aura, BGC.

Nakarating na rin sa bansa noong February ang Blackpink nang magkaroon sila ng sold-out concert sa SM Mall of Asia. But ob-viously, Filipino fans can’t get over them.

Ang Blackpink naman talaga ang isa sa pinakasikat ngayon. Bukod tanging sila ang Asyanong nakapag-perform sa pinakamalaking music festival sa buong mundo, ang Coachella. Grabe ang naging response sa kanila.

Ang kanilang single na “Kill This Love” ay nagta-top sa music charts sa iba’t ibang bansa. Bukod dito, sila rin ang may pinakamaraming subscribers among Korean channels sa YouTube.

Kahit mga Pinoy artists ay excited na sa meet and greet ng Blackpink. Ilan sa mga nag-post ng excitement na makitang muli sa bansa ang grupo ay ang Kapamilya star na si Kim Chiu at may video post ng compilation niya na naka-style Blackpink siya.

Sey niya, “Can’t wait for Blackpink in Manila once again. Forever Blink!!! Love them all!! especially their fashion and of course songs!!!”

At pati ang Kapuso star na si Kristoffer Martin ay isa rin palang fan!
Sey niya, “@blackpinkofficial is the only kpop group who made me appreciate the genre. I remember the first time I saw their video (as if it’s your last), sa isang korean restaurant.

Yun lang yung video na nagustuhan ko at pinanuod ko talaga from the beginning to end. Since then, I started watching their videos even dancing to their songs (I have videos in private.) OO BLINK AKO.

Nasa point ako na lahat ng fancam nila pinapanuod ko hanggang sa makatulog ako.”