Spotted sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa isang binyagan. Magkasama ang dalawa at parehong tumayo bilang mga ninong at ninang kay Baby Tobi.
Si Baby Tobi ay anak daw ng kasamahan nina Kim at Paulo sa gym.
Todo kilig syempre pa ang KimPau fandom na makitang magkasama ang kanilang mga idolo.
“Wow.. mgkasama ang kimpau nxt cla nmn ang mgpabinyag nxt year.”
“Twinning sa outfit ah kimpau. Ang hilig ni Kimmy sa raffles na clothes Ngayon at al skirt .”
“Next in line Kimmy . excited much for mini kimpau .”
Samantala, sasabak ulit ang KimPau fandom sa panibagong botohan para sa kanilang idolo.
Pagkatapos ipanalo ng KimPaulandia ang idolo nila na si Paulo bilang Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards, magiging abala ulit sila sa pangangampanya para kay Kim.
Post ng KimPaulandia, “Another round of voting on IdolChamp. Kim Chiu is nominated for Best Global Star at the 2nd IMBC Awards .”
Matatapos ang botohan sa August 9.Ilang araw na lang kaya tiyak na puspusan at bisi-bisihan na ang mga fan nina Kim at Paulo.
Goodluck! (Julie Bonifacio-Gaspar)











