Naging viral noon ang pagbanggit ni Kim Chiu kay Ryzza Mae Dizon sa reference ng joke nito tungkol kay Lotus Feet.
Dahil dito, na-bash nang husto ng netizens ang Chinita Princess dahil sa diumano’y komento nito sa host ng kalabang noontime show.
Sa show nina Bossing Vic Sotto, naurot naman ng komedyante si Ryzza Mae tungkol kay Kim pagkatapos nitong batiin sa ere si Vice Ganda.
Naging usap-usapan din ang pag-hello sa show ni Ryzza Mae kay Kim na nagpapatunay na walang isyu sa kanila ng actress.
Sa kaso naman ni Kim, walang ganoong pagbati na ibinalik ang TV host-actress kay Ryzza Mae.
Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers lalo pa’t tila nakumpirma nang may pagsasamahang MMFF movie sina Vic at Meme.
Ito ang ilan sa kanilang hirit nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
“Ang mga kafaneyan lang naman ang nagsasabong kina Kim at Ryzza.”
“Knowing Kim and Ryzza, wala namang isyu sa dalawa.”
“For all we know, part na ito ng promo ng MMFF movie nina Bossing at Meme.”
“In fairness , napag-uusapan siya dahil kina Kim at Ryzza.”
“Ang siste, baka may pa-surprise pa na kasama si Kim sa movie.”
“Malay mo, may guest appearance siya as Madam Lotus.Hahaha!”
“Bagay sina Kim at Ryzza sa comedy version ng Fengshui.”
“Eme eme away tapos bati.”
“Bossing or Vice could be a bridge para magkabati sila.”
“Bet ko ang pagiging grounded ni Ryzza Mae. Game lang siya at hindi pikon.”(Archie Liao)











