Abante Tonite Interactive

Kim Chiu tumangging isuot ang korona ni Kris Aquino

130

AYAW patulan o mag-comment man lang ni Kim Chiu when asked kung siya na ba ang bagong Kris Aquino sa buhay ni Chito Roño.

Matatandaan na si Chito ang nagbigay kay Kris Aquino ng 3 blockbuster horror movies – Sukob, Feng Shui at Feng Shui 2.

Si Kim ang bida sa bagong horror movie ni Chito, ang The Ghost Bride. Kasama rin si Kim sa dalawa pang movies na si Chito ang direktor – The Healing at Etiquette For Mistresses.

“Naku, hindi po,” ang tanging nasambit ni Kim.

May himig ng pagka-proud si Kim with the movie The Ghost Bride. For the first, solo siya sa poster ng movie.

“I’m touched,” ang pabirong sabi ni Kim. “First time po kasi! Nakakatuwa po, nakaka-happy.”

Inamin ni Kim na iba ang alagang ibigay sa kanya ni Chito sa movie.

“Alam ko naman na madugo ang trabaho kapag si Direk Chito. Alam kong mahirap. Pero alam mong maganda ang kalalabasan, alam mong may matutunan ka.

“Si Direk kasi, super creative. Andami niyang alam. Matalino at magaling siyang mag-research,” pahayag ni Kim.

I do or I die!!! #TheGhostBride november 1, 2017

A post shared by Kimberly Sue Chiu ? (@chinitaprincess) on

Isa sa the best experience ni Kim with Direk Chito ay nang mag-shoot sila sa Nepal. Almost 10 days silang magkasama.

“Sa Nepal masasagot ang mga katanungan sa movie. ‘Yun ang world na sinasabing magbibi­gay ng kasagutan sa kwento sa movie,” sabi ni Kim.

Showing na sa November 1 ang The Ghost Bride. Kasama rin sa movie Matteo Guidicelli, Christian Bables at ang nagbabalik showbiz na si Alice Dixson.

Coco Martin alagang-alaga ng mga tao sa Tondo

SA dalas mag-shooting ni Coco Martin sa Tondo, nagkaroon na ito ng soft spot sa puso ng aktor.

Tiyak na hindi malilimutan ng aktor ang suporta at kooperasyon na ibinigay sa kanya ng community kung saan kinunan ang malalaking eksena sa pelikulang Ang Panday.

“Noong una, struggle talaga kami. Ang hirap. Magulo. Hindi kami makapag-concentrate kasi siyempre, alam mo naman si Coco, sikat na sikat sa masa dahil sa Ang Probinsyano.

“Hindi naman kami pwedeng magbago ng location, kasi doon talaga ang gusto niya. Wala siyang pakialam kung mainit, basta gusto niya doon.

“Nagulat kami one day, nagsalita si Coco sa microphone. In-address niya ang crowd, nakiusap kung pwede silang mag-cooperate sa shoot.

Nakakatuwa dahil agad-agad, nagpakita sila ng suporta. Kapag alam nilang an­dyan na si Coco, at ang production, sobra silang cooperative.

“Para nga silang part ng movie kasi ‘pag alam nilang nagti-take ng scene, normal lang sila.

Hindi na sila nakikigulo­. Kaya nitong mga hulin­g days ng shoot, natural na natural ang mga eksena­ namin sa community na ‘yun.

“Kaya nitong mga huling days namin, nakakalakad si Coco sa Tondo community na ‘di kailangan ng guards or marshals­, dahil ‘yung mga tagaroon na mismo ang nagbabantay sa kanya,” sabi ng production staff na kausap namin.

Sa ipinakitang pagmamahal din ni Coco sa mga tao sa Tondo, tiyak na nami-miss ng mga ito ang aktor (who is also the director of Ang Panday) bilang isa sa pinakamabait, mapagkumbabang aktor na naging bahagi ng kanilang komunidad.