Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim wapakels ‘pag iniwan ni Xian

0 200

Hindi ikamamatay ni Kim Chiu kung sakaling mawala sa for reel or for real si Xian Lim sa kanya. Hindi naman oxygen, tubig o pagkain ang bagong Kapuso per project leading man na hindi kakayanin ni Kimberly Sue lalo na nga’t may panibagong pangayayari sa karera nito.

Sa true lang tayo, mas maraming fan at nagmamahal kay Chiu .Itinuturing na precious asset ito ng mga taga-Mother Ignacia kaya hindi nila ito basta pakakawalan at hahayaang sundan ang diumanong kasintahan nito.

Mahusay ang mga spinmaster sa network without a franchise at matalino si Kim. Makakagawa sila ng mga payanig, mga kaabang-abang na proyekto o mga hindi sinasadyang kaganapan .Mas lalo itong magpapaningning sa estrella ng babang feeling unappreciated and unwanted daw sa noontime show na todo effort, energy at kikay-ness ang kanyang kontribusyon.

Sa true lang, sa kasaysayan ng mga may pangmalakasang love team sa showbizlandia, palagiang mas umaariba ang karera ng babae matapos mawasak ang kanyang pakikipag-love team.

Hindi na natin kailangang isa-isahin pa ang mga sawimpalad na lalaking biglang naging the WHO matapos mabuwag ang love team .Kitang-kita na ang homme ay naiwan sa kankungan at ang femme ay leaps and bounds ang mga naging achievement.

Kaya hindi dapat maglungkot-lungkutan si Kim Chiu sa pagiging kapuso ni Ginoong Lim. Siguradong inihahanda na sa Star Magic Kingdom ang kanyang next big project at this time, sole credit na niya talaga at di na kasama si Xian sa equation.

Sa true lang, excited ba ang mas nakakararami sa tambalang Lim at Jennylyn Mercado? Look na lang tayong lahat sa sky na may kasamang pag-iinat at hikab.

You’ll be more than fine Kim Chiu. Hindi kawalan si Xian Lim sa karera mo, maski pa sa buhay mo.

Reyes luhaan sa Paolo, Paulo

Dahil nasa demokrasya tayo, inaabangan na ngayon ang pagbuwelta ni man of the hour Paolo Contis matapos ang paglalahad ni LJ Reyes.

Lahat ay nanalig na dapat Paolo comes clean as well. Isinapubliko naman kasi ni Reyes ang kanyang side of the truth kahit pa nga nasa Nueva York na ito kaya hindi mamasamain kung si Contis naman ang magsasabi sa kanyang bersyon tungkol sa paghihiwalay ng dekolor at puti nila ni Lourna Jane.

Maliban sa pagtatanggol ni Paolo Contis sa kanyang sarili, inaabangan rin kung may opisyal na pahayag ang ama ni Ethan Akio, tungkol sa katotohanang nasa ibang bansa na ang kanilang anak ni LJ.

Ano rin kaya ang damdamin ni Contis ngayong si Summer (anak niya) ay inilayo rin sa kanya?

SM SuperKidsDay Banner Ad

At dapat na rin sigurong tumigil na si LJ sa pagmamahal sa mga lalaking ang pangalan ay nagsisimula sa P. Kay Paulo Avelino, luhaan. Kay Paolo Contis, luhaan again. Kaya dapat iwas-iwasan niyang magtagpo ang landas nila ni Paolo Bediones, huh!

Safe naman siya kay Paolo Ballesteros dahil the Other Queen P yun! Alangan naman maintriga si Lourna kay Paolo Amores lalo na nga’t the WHO siya sa nakakarami .Pero sa mga diwata at sirena, best asset niya ang kanyang pambihirang palo-palo, huh!

Kung sakali mang piliin ni Contis na mas manahimik na lamang at hindi na dagdagan pa ang panggatong sa naglalagablab na apoy, choice niya iyon. Although nakakahikab na choice ang magpaka-gentleman of the school matapos ipaalam sa lahat na ikaw ang kontrabida sa hiwalayan, huh!

Santos, Manzano benta ang kulitan

Bakit nga babentang-benta ang kulitan nina Star For All Seasons Vilma Santos at panganay na Luis Manzano na napapanood sa isang pangmalakasang online platform? At ang nakakatuwa, habang pinapanood mo ang kanilang usapan, kasama pa nga ang maybahay ni young master Manzano, na si Jessy Mendiola, hindi mo mapigil ang paghalakhak .Panalong-panalo ang mga patawang natural ni Luis at mga malalakas na tawanan with matching carino brutal mula kay mommy dearest Vi para sa unang anak, sadyang endearing to watch.

Bentang-benta ang Ate Vi at Lucky You Tube payanig kasi nga super evident ang closeness at pagmamahalan ng mag-ina. Nakaka-good vibes. Nakakatanggal ng lumbay. Nakakatulong sa lahat na mai-release ang happy endorphins.

Obvious na obvious na marami pa rin ang tumatangkilik kay Congresswoman Rosa Vilma Santos-Recto .Kung iyong oobserbahan ang mga tanong, ang kanyang karera bilang aktres at bokasyon bilang politiko at ang mga pagsagot niya sa mga tao, magaan, malinaw at tamang-tama ang mga pinupuntos.

Kuwela ang sense of humor ni Luis at alam mong galing sa kanyang Daddy Edu Manzano ito.Kahit pa nga minsan bordering on the pilyo na ang kanyang hirit, hampas at suntok tuloy ang kanyang tinatanggap sa nanay niyang mas apologetic pa sa kalokohan ng anak.

Tiyak, maligayang-maligaya rin si young Mrs. Manzano, si Jessy na anak na babae na talaga ang turing sa kanya ni Santos .Puring-puri nito ang pagkakalinga niya sa kanyang anak.

Refreshing din ang pagsuporta ni young master Manzano sa pagkakaroon ng crush ni Santos sa Korean superstar Hyun Bin. May malaking unan pa nga si Ate Vi na may mukha ang “Crash Landing On You” leading man.

At dahil nga sa kanilang pagsasama sa channel ni Luis at ni Jessy, marami ang umaasa na sa pinakamalapit na hinaharap eh magsama sila sa isang pelikula. Panalo rin siguro kung kasama si Daddy Yo Doods sa movie para talagang cinematic arts imitating life at it is a family affair ang drama, hindi ba naman?

Puwede ring the Vilma Santos and Luis Manzano Talk Show ang maging pasabog nilang mag-ina.Kumbaga, any topic under the sun ang puwedeng talakayin o kaya ang juiciest showbiz issues ang himay-himayin.

Looking forward to watch more Vilma Santos and Luis Manzano videos. Ang sarap kasi sa pakiramdaman na sila ay panoorin. Nakakatanggal anxiety at stress ang kanilang pagsasama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.