Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim di tinanggal sa Showtime

0 1,023

Kababalik lamang ni Kim Chiu sa It’s Showtime pero hindi na naman siya mapapanood kaya naman iniintriga tuloy na tinanggal siya sa nasabing noontime show.

Nakapagbitaw kasi siya ng salita na may mga host sa It’s Showtime na ayaw sa kanya. Kaya naman super ask namin ang source kung true na aalisin ang aktres. Not true daw at nag-birthday leave lang siya. Gagawa rin daw kasi siya ng commercial shoot na matagal nang naka-schedule.

At the end of the month ay lalabas na rin daw ang bago niyang single kaya super busy raw talaga. Sini-celebrate rin ni Kim ang 15 years na nasa showbiz.

Joshua laging nawawalan ng partner

Habang wala pang project ay madalas napagkikita si Joshua Garcia sa mga vlog ng mga artistang kaibigan niya sa showbiz.

May sarili na rin siya vlog pero hindi siya ganun kaseryoso. May pagkamahiyain pa rin kasi ang aktor.

Sa mga fan niya na gustong malaman ang latest sa aktor ay mag-uumpisa na pala siyang mag-taping ng teleserye this May. Sure na ito. Namove lang nu’ng una dahil sa panibagong lockdown.

SM food to go Banner Ad

Hindi pa niri-reveal kung sino ang bago niyang makakapareha. Kung meron man ay magkiklik kaya? Okey rin naman na wala ng loveteam ang aktor dahil mahusay naman ito. Lahat kasi ng itinambal sa kanya ay nawala rin tulad nina Loisa Andallo, Julia Barretto at Janella Salvador.

@@@

Heaven muntik sumuko sa sakit

Balik -taping na si Heaven Peralejo sa seryeng Bagong Umaga, matapos maospital dahil sa Covid-19. Dalawang linggo na lamang at matatapos na ang nasabing serye .

Inamin ni Heaven na nagkaroon siya ng maraming breakdown dahil sa nangyari sa kanya. Muntik na siyang sumuko at pinanghihinaan ng loob.

Natakot siya lalo na sa inang cancer survivor.

Buti na lamang daw ay nalagpasan niya ang pagsubok na ito sa kanyang buhay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.