Abante Tonite Interactive

Kim ‘di trip ni Eula

0 930

NI: ROLDAN CASTRO

Pinuri ni Eula Valdes ang kasamahan niya sa seryeng ‘Love Thy Woman’ na si Kim Chiu.

Idinetalye niya ang tunay na ugali ng aktres base sa obserbasyon niya.

“Tama nga sila, humble, professional, pasensyosa,masayahin kang tao, at palangiti,at ang pinaka gusto ko sa’yo ay yung nakakatawa mong tawa, na kahit hindi ko alam ano’ng topic nyo, pag nadinig kitang tumawa, natatawa rin ako!

Humanga naman ako sa’yo kase madasalin ka rin sa ALTAR n’yo may crucifix, image ni Mama Mary, ni Jesus at si Buddha— Segurista!,” saad ni Eula sa kanyang Instagram account.

Nag-comment naman ang isang fan ni Kim

@chumangels19, “Thank you Ms Eula sabi ko na di totoo yung blind item sa (showbiz site) last March 19 na di nyo gusto si Kim thanks po .. Love you both .”

Sumagot naman si @eulavaldes, “@chumangels19 nabasa ko rin yun. Nakakainis.”

Sinabi rin ni Eula na hindi niya pinapakialaman ang acting ni Kim.

@eulavaldes, “@charisse.perez0318 never ko sya pinakialaman sa acting unless mag patulong kung sino man,” pakli ng magaling na aktres.

Tonite – Wendys Inhouse Ad