Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim ‘di tsugi sa pagbabalik ni Anne

0 117

NI: BETH GELENA

Kumpirmado raw na ‘pag bumalik na si Anne Curtis sa ‘It’s Showtime’ hinding-hindi raw matsutsugi si Kim Chiu.

Tuluy-tuloy pa rin daw ang hosting job ng Chinita Princess sa nasabing noontime show ng ABS-CBN.

May lumalabas kasing masisibak na raw sa naturang show si Kim .

In-assure naman daw ng programa na hinding hindi mangyayari na tatanggalin nila si Kim

Pumasok si Kim sa ’It’s Showtime’ nu’ng time na nakabasyon si Anne dahil manganganak sa Australia nu’ngMarch 2020.

Hindi agad nakabalik ng bansa si Anne dahil nagkaroon ng pandemya ang buong mundo at nag-lockdown.

SM food to go Banner Ad

Nang bumalik na ng ‘Pinas si Anne kasama.ang mister na si Eewan Heussaff at ang kanilang baby ay nag-extend ng bakasyon ang TV host para matutukan muna ang pag-aalaga kay Baby Dhalia.

Kamakailan ay may teaser na ang ABS-CBN sa pagbabalik ni Anne sa ‘It’s Showtime’.

“We missed her for a long time, so she’s here… Abang-ANNE!”

Espekulasyon ng madlang pipol ay nu’ng May 21 na nila muling mapapanood si Anne sa IS.

Marami ang tumutok na manonood sa kanilang TV screen, pero walang Anne na bumulaga sa screen.

Tanong tuloy ng madlang pipol kelan daw ba talaga aapir si Anne sa programa?

Sana raw ay magbigay ng specific dateang ABS-CBN kung kailan ba talaga babalik si Anne Curtis sa programa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.