Abante Tonite Interactive

Kim Domingo, pinuputakti ng INDECENT proposals

By
18

NATUTUWA si Kim Domingo dahil kinikilala siya ngayon bilang bagong Pantasya ng Bayan.
Ngunit dahil din sa bansag na ito, apektado ang kanyang image bilang artista.

Nakakatanggap siya ng indecent proposals.
“Nung nag-modeling ako, meron na niyan, tapos, lalo pa ngayon na nagso-showbiz na.

“Dedma na lang dahil siyempre, hindi rin naman po ako ganu’ng klase.

“Mas gusto ko pa rin na pinaghihirapan ko ‘yung lahat ng bagay na makukuha ko,” kwento ng sexy actress.

Samantala, available na for download and streaming ang single niyang Know Me under GMA Records.

***

Wagi ang endorsement ni Simon Cowell sa La Banda franchise na pinangalanan sa Pinas na Pinoy Boyband Superstar na magsisimula na this weekend.

Bongga ang endorsement niya sa bagong programa sa Kapamilya network — at umaasa tayong makakahanap tayo ng mala-One Direction na bagong grupo ng heartthrob sa talent search na ito.

Teka, sino ba ang mala-Simon Cowell sa superstar judges?
Sabi ng kasamahan natin sa trabaho, sino pa ba kundi si Vice Ganda!

***

Magpapakilig sina Sam (Janella Salvador) at Kevin (Elmo Magalona) sa kanilang album tour sa Linggo (Sept 11) sa Starmall Alabang.

Maaaring mapakinggan ng fans ang mga awitin nina Sam at Kevin online dahil available din ang kanilang album sa Spotify kung saan maririnig ang mga awiting gaya ng Pa­ngarap Lang, You’ll Be Safe Here, at ang official soundtrack ng serye na Born for You.

***

Kung inayawan ng mismong abogado si Sunshine Dizon sa laban niya sa kanyang mister, hindi ba makakasama ito sa inihain niyang kaso sa dati niyang asawa?

Tuloy, tuwing nakikita si Sunshine sa kanyang Belo ad, mas masaya siya noong mataba siya kaysa ngayong nagpa-lipo siya.