Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim Domingo sapol sa virus

0 67

Nagulantang si Kim Domingo matapos niyang magpositibo sa COVID-19 . Ito’y sa kabila na OA na siya sa pagiging maingat para makaiwas na tamaan nito.

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, sinabi ni Kim na August 27 siya nagpositibo sa COVID-19.

“Hindi ko inexpect na tatamaan pa ako sa sobrang pagiingat na ginagawa ko. Kumpleto din ako ng vitamins at fully vaccinated. Pag galing labas? Hindi ako nauupo sa sofa or dining chairs, ligo agad. Kasi posible na nasa damit natin ang virus. Ipapasok sa uv sterilizer ang mga dala kong gamit sa labas. Kung ano man ang mga napamili ko galing labas lahat yan isa isa ko iniisprayan ng lysol tapos hugas ng kamay kahit alam kong maliligo na ako. Groceries? Lahat dini disinfect talaga,” kuwento ng aktres.

“Pati sa mga pumupuntang bisita or family members ko pinapatupad ko lahat ng protocols na yan, again pati family ko. Minsan pinagtatawanan na nga ako. Para sakin hindi yun pagiging maarte kundi pag iingat. Ganito yung paraan ko ng pag iingat. Pero laking gulat ko na kahit sobrang ingat ko na, tinamaan pa din ako,” patuloy niya.

“Aug 27 Pag gising ko sa umaga, nilalagnat na ako. Mabigat ulo ko, masakit katawan ko, nagspray ako ng alcohol at inamoy ko meron pa din akong pang amoy. Sa pagkain ang gana ko pa din kumain, meron pa din ako panlasa. Kinahapunan, nag decide na ako magpa rt pcr test just to make sure at para mawala na din iniisip ko na baka nga positive ako.

“Aug 27 8pm lumabas RT PCR result ko. POSITIVE. Sobrang gulat na gulat ako, di ko akalain na makakalusot sa kagaya kong sobra sobra ang pag iingat.”

Agosto 28 nawalan daw siya ng pang-amoy at panlasa pero magana pa ring kumain .Kinabukasan ay wala na siyang lagnat pero wala pa rin pang-amoy at panlasa.

Ikinalungkot niya na dahil dito, hindi na siya makakasama sa teleserye nina Jennylyn Mercado at Xian Lim na “Love. Die. Repeat”, Pagbabalik-telebisyon sana niya ito buhat noong pandemya.

“Naka set na sana kami nung Aug 29 para sa quarantine ng show at biglang sa hindi inaasahan, nangyari ito. Grabe ang iyak ko nung nalaman ko na hindi na ako makakasama sa show. Napaka wrong timing. Pero inisip ko nalang, may dahilan kung bakit nangyari ito. May ibang plano siguro si LORD para sa akin,” wika niya.

Hinikayat naman niya ang lahat na magpabakuna.

“Makakatulong ang bakuna para mabawasan ang severity ng covid. Buti nalang at fully vaccinated na ako at ang pamilya ko,” sey pa ni Kim. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.