Abante Tonite Interactive

Kim Dong Yoon pumanaw na

By
1,743

Muli na namang nagluluksa ang K-pop world dahil sa maagang pagpanaw ni Kim Dong Yoon.

Si Kim Dong Yoon ay isa sa miyembro ng kaka-debut pa lang na South Korean boy band, ang Spectrum with their single­, ‘Light Up.’ Noong May ng taong ito lamang nag-debut ang grupo, pero noong Biyernes, July 27 ay lu­mabas sa mga online entertainment news site ang balitang pumanaw na ito.

Kinumpirma ng kanyang agency, ang WYNN Entertainment ang pagkamatay nito.

Ayon sa WYNN Entertainment, “This is WYNN Entertainment. We apologize for suddenly conveyin­g this sad news.
“Our agency’s artist and Spectrum member Kim Dong Yoon left our side on July 27.

“His family members, Spectrum members, and all the staff at WYNN Entertainment are grieving with a heavy heart over this sudden sad news.

“We are so heartbroken and sorry to be conveying this sad news to Dong Yoon’s fans, who sincerely loved and gene­rously encouraged him.

“According to the wishe­s of the family of the deceased, his funeral will be held quietly. We express our condolences for his final path.”

Twenty year old lamang si Kim Dong Yoon. Kaya base sa mga nabasa naming comment ng mga netizen, halos lahat ay nalulungkot at nanghihinayang na at the young age of 20 ay pumanaw na ito. Sa panahong nagsisimula pa lang siya sa kanyang singing career.

Halos lahat ay nagulat at hindi makapaniwala. Pati na ang mga fan nito.

Karamihan din sa mga comment ay nagtatanong kung ano ang sanhi ng maagang kamatayan.

May ilang nagtanong kung katulad daw ba ng ilang South Korean stars ang naging sanhi ng kamatayan ng Spectrum member na nagsu-suicide. May nag-post din ng comment na two days before lang daw bago ang balitang patay na si Dong Yoon ay nag-post pa raw ito ng selfie niya sa kanyang social media account.

Naging bahagi si Kim Dong Yoon ng MIXNINE, isang South Korean survivor reality show ng JTBC noong 2017. Ang partisipasyon ng grupong Spectrum sa MIXNINE ang naging dahilan kung ba­kit naantala ang debut nila na dapat ay noong October 2017 pa sana.