Abante Tonite Interactive

Kim dumepensa sa pagtili ni Xian

By
2,337

Nag-enjoy si Kim Chiu sa Holy Week break sa Korea kasama ang kanyang boyfriend na si Xian Lim.

Katunayan, nag-viral ang kanilang video kung saan tili to death sila habang nakasakay sa rollercoaster habang nagbabakasyon.

“Masaya siya. Kasi everyday ang shooting namin ng Da One That Ghost Away, tapos nu’ng nagkaroon kami ng break noong Holy Week, so nagkaroon kami ng chance, iyon, masaya, masaya,” pagbabalik-tanaw niya.

Nadiskubre rin daw niya na hindi pa nawawala ang takot ni Xian sa rollercoaster at maging sa heights na mas malakas pa ang naging tili sa kanya.

“Takot talaga siya ng rollercoaster. Ayaw niya talaga eh, wala akong kasama eh haba ng pila. Sabi ko, ano ako mag-iisa? Baka ma­baliw na ako roon. So sabi ko, samahan mo ako tapos sabi niya isa lang ha? Takot talaga siya,” sey niya. “Marami namang ganoon na mas matapang ang babae sa lalake,” dugtong niya.

Dagdag pa niya, noon pa man daw ay alam na niya na may phobia si Xian sa heights.

“Matagal na matagal na, kahit dati, noong pinag-skydiving ko siya, nasuka rin siya,” pagbabahagi niya.

Hindi rin siya naniniwala na ang pakikipagtambal niya kay Ryan Bang sa nasabing horror comedy ay paghahanda sa umano’y pagkakanya-kanya nila ni Xian o pagkakabuwag ng KimXi.

“Hindi naman ganoon. Depende naman po sa projects na ibinibigay sa akin. Hindi ko naman po dapat lagyan ng ending ang lahat ng nakatrabaho ko. Nandiyan pa rin naman sila. Itong iskrip na ito, bagay lang talaga kay Ryan. Hindi ito ganito magiging kakuwela kung hindi po sila ang kasama ko,” paliwanag niya.