Abante Tonite Interactive

Kim, extra hot ang patikim

Kim Domingo
129

OK lang kay Virgi­nia Pakakak na ipag­bawal ang unli-rice.

Kuda ng hitad, “Basta huwag ipagbawal ang unli-sex!”

***

Extra hot ang ­coffee table book ni Kim Domingo.

Nakakapaso!

Sensational ang patikim niya ng “state of undress.”

Nakaka-L!

Tila “coffee, tea, or me?” ang peg ni Kim sa librong ito.

Palaban siya sa hubaran!

Pinanindigan niya ang pagiging Pantasya ng Asya!

***

Bonggacious ang che­mistry nina Ruru Madrid at Thea Tolentino sa nakaraang episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Hindi overacting. Na­tural na natural.

No wonder, patok sa netizens at viewers ang tandem nila.

May continuation ang love story nila bukas (Sunday, June 18).

Syempre, may ba­gong istorya na ikukuwento si Lola Goreng (Gloria Romero) sa kanyang mga apo.

Makakasama nila rito si Renz Valerio.

***

Bentang-benta sa viewers ang recently uploaded video ni Mike Tan sa followers niya kung saan nagkunwari itong nag-e-exercise sa isang metal bar.

Niloko niya kasi ang mga ito na sobrang hirap daw ng ginagawa niya.

Tawang-tawa ang mga fans ng Kapuso star.

May nag-comment na kahit hindi magpunta sa gym ang Ika-6 Na Utos actor, pak na pak ang hugis ng katawan nito kaya okay lang.

***

Nanalo ang ­I-Bilib bilang Silver Screen awar­dee para sa ­Children’s ­Category sa katatapos na US International Film and Video Festival.

Oh, ‘di ba? Ang saya kasing matuto ng Science kapag kasama mo ang Team Chris Tiu!

***

Hindi ­inaasahan ni Rita Daniela na makakasama siya sa cast ng Impostora.

Ang alam lang niya ay kakantahin niya ang theme song nito. Noong araw ng recording niya ay tinanong siya kung libre siyang gumanap sa serye.

Hindi siya makapaniwala dahil minsan lang siyang mabigyan ng pagkakataong kumanta ng theme song at mapabilang sa cast ng iisang project.