Abante Tonite Interactive

Kim hindi insecure kina Maymay, Kisses

609

Kahit maraming bagong sumisikat ngayong Kapamilya stars, ayon kay Kim Chiu, ay hindi naman niya na­raramdaman na sumisikip na ang kanyang mundo dahil alam naman daw niyang magkakaiba sila ng kakayahan.

“Alam ko naman ang kakayahan ko, ‘yung capacity ko, alam ko naman,” ani Kim sa uncut version ng guesting niya sa Tonight With Boy Abunda na inilabas ng ABS-CBN sa kanilang You Tube channel.

“And then, hindi ko naman iniisip na masikip kasi wala namang gumagawa ng same project at same hour, kunyari ala-una, ito ang project mo, lima kayong maglalaban-laban ng ala-una ng tanghali, wala namang ganu’n. May ala-una, may alas-dos, may alas-tres. Pili ka lang kung saan diyan,” she added.

Hindi raw niya iniisip na nakikipagkumpetensiya siya kina Maja Salvador or Bea Alonzo, sa mga bagong pasok na sina Maymay Entrata or Kisses Delavin.

“Hindi ko naman tini­tingnan ‘yun as kumpetisyon. Kasi lahat kami, gusto namin ‘to, eh. Lahat kami, pangarap namin ‘to. Ako, nandito lang ako to improve my skill, to be thankful na binibigyan ako ng mga projects, na nandito pa rin ako, masuwerte na ako na nandito pa rin ako for 12 years at nabibigyan pa rin ako ng chance to explore, na kung ano ‘yung mga gusto nilang ipagawa sa akin.”

Lahat naman daw ay may sari­ling oras at hindi dapat inilalagay sa utak na nakiki­paglaban ka sa ibang artista.
“Kasi, hindi healthy kapag iisipin mo na nakikipaglaban ka,” aniya.

Hindi rin daw dapat ikinukumpara ang sarili sa ibang artista at katwiran niya, “kasi, kahit kailan hindi ka magiging siya.”

When asked kung narating na ba niya ang peak, “yes, I think so” ang sagot ng aktres.

“Pero siyempre, (ine) enjoy ko ito lahat, ‘yung mag-entertain, mag-perform,” dagdag pa niya.
***

KC nahanap ang ‘forever’

Sa kanyang Instagram account ay nagpasa­lamat si KC Concepcion sa unconditional love na ibinibigay sa kanya ng French boyfriend na si Pierre Plassart.

“This guy has seen me through my best & through my worst & loves me just the same. In a world full of shade, bashing & opinions, thank you for the unconditional love!!!

“You not judging makes me want to glow up & be the best version of myself – when the results show I promise you’ll get all the credit!” ang bahagi ng caption ni KC sa larawan nila ng boyfriend.

Kaya naman ang payo ng dalaga ni Sharon Cuneta sa mga kababaihan, “Ladies, don’t be with anyone who makes you feel ugly, fat or less than who you are. Show them to mind their own business & you’ll know something they won’t: What it’s like to be happy from the inside & FEEL YOUR BEST. You are BEAUTIFUL & you’ll only get better AND BETTER.”

The way we see KC’s happiness now, mukhang nahanap na nga niya ang kanyang “forever” at ito rin ang feeling ng mga IG follower and fan niya.