Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim hinilot sa ‘Showtime’

0 152

Lumalabas na nga na fake news daw ang sinasabing matatanggal si Kim Chiu sa It’s Showtime.

Nagsimula ang isyu 2 Saturdays ago nang mapansin ng viewers na present ang aktres sa show pero walang spiels. Kaya naman nagpahayag ng suporta sa kanya ang mga fan niya sa social media.

Well, ideny man nila na walang isyu, bakit napa-react ang mga fan, di ba?

Isa pa sa nasagap naming tsika ay may nangyayaring tensyon daw talaga sa nasabing noontime show. Sey ng aming source bago raw lumaki ang isyu kay Kim ay inayos na raw kaagad ng management at nagkaroon ng meeting. True kaya?

Pwede naman maging totoo kasi wala naman talagang usok kung walang apoy. May problema nga kaya si Kim sa ilang kasamahan niyang hosts?

Rabiya hinahanapan ng ‘lalaki’

Tuluy-tuloy na nga ang pagpasok ni Rabiya Mateo sa showbiz. Ang latest mula sa aming source ay gagawa raw ito ng romcom movie at naghahanap na ng lalaki na pwedeng ipareha sa kaniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Since beauty queen si Rabiya kailangan matangkad ang ipareha sa kaniya . Depende rin sa hinihingi ng role para sa kaniyang leading man.

Kakaunti rin lang daw ang cast sa nasabing pelikula para walang masyadong requirement at hindi masyadong mahirap i-handle.
Marami pa rin kasing pagdadaanan pag mag-shooting sa mga panahong ito.

Heaven ‘di type ugali ni Kiko

Kalat na ang balitang break na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada. Wala pang nagkukumpirma sa dalawa kung true ito. Nag-unfollow si Kiko kay Heaven at inalis ang mga pics nila.

Although lahat naman ay inunfollow ng aktor.

Pero ang tanong bakit daw si Heaven ay hindi pa inaalis ang posts na magkasama sila sa kaniyang IG? Ano ba talaga ang status nila?

Well ang basa ko diyan, isa sa mga araw na ito ay tatanggalin na rin ni Heaven ang mga post niya with Kiko or should we say ex-bf na si Kiko?

Ang duda naming break na ang dalawa ay sinuportahan ng nasagap naming tsika na ang aktres nga raw ang nakipaghiwalay. Kung ano ang dahilan ay may kinalaman daw sa ugali ng aktor. Ano kaya yun? Ang ugaling ito raw ay naging dahilan din daw ng break-up nila ng dating gf na si Kim Rodriguez?

Leave A Reply

Your email address will not be published.