Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim inagawan si Maja

0 137

NI: VINIA VIVAR

Iniintriga ngayon ng mga netizen ang magkaibigang sina Maja Salvador and Kim Chiu dahil sa titulong Queen of the Dance Floor na ibinigay na ng ASAP kay Chinita Princess last Sunday.

Matatandaang dating hawak ni Maja ang titulong ito pero dahil nga nasa TV5 na siya ay ibinigay na ito kay Kim.

Kaya naman ang mga intrigero’t intrigerang netizens ay pinagsasabong sila now at pinagtatalunan kung sino ba talaga ang mas deserving sa title.

Sa kanyang latest blogcon ay nag-react si Kim sa isyung ito.

“Si Maja, sobrang good friends kami, ang dami naming pinagdaanan, di ba? Kaya sobra ‘yung bond namin together,” simula ni Chinita Princess.

Tinatawanan na lang ni Kim ang mga fan na pinag-aaway sila ni Maja. Aniya ay queen pa rin daw ang kanyang BFF at hindi pa siya artista ay hangang-hanga na siya rito sa pagsasayaw.

“Sa mga fan na kina-clash, pinag-aaway kami or kinukwestiyon nila ‘yung title na binigay ng ASAP, queen naman talaga si Maja. Kasi hindi pa ako artista, nilu-look ko na sila ni Shaina (Magdayao), UD4 pa lang,” aniya.

Ang UD4 ay dating dance group nina John Prats, Rayver Cruz, Shaina and Maja.

“Kung queen ang pag-uusapan, queen din naman siya (Maja) kahit saan siya pumunta. So, Queen of the Dance Floor rin siya sa SNL. So, win-win situation,” natatawang say pa ni Kim.

Wala na raw sa kanila ni Maja ang mga ganyang intriga at basta sila raw ay ginagawa lang nila nang maayos ang kanilang production number. Nagi-enjoy naman daw sila sa ginagawa nila, gayundin ang kanilang supporters, ‘yun daw ang mas importante.

Leave A Reply

Your email address will not be published.