Abante Tonite Interactive

Kim inamin ang mga kapatid sa labas

1,545

Napaluha si Kim Chiu at hindi nagawang tapusin ang sagot niya nang maging personal ang mga tanungan kahapon sa presscon ng “Love Thy Woman”.

Nabanggit kasi ni Kim na medyo challenging sa kanya ang role niya sa bagong Kapamilya afternoon soap na sila bale ‘yung pangalawang pamilya ng gumaganap na ama niya na si Christopher de Leon.

Sa totoong buhay daw kasi ay sina Kim ang first family, tapos ay may iba pang pamilya ang kanyang Chinese father.

“Sila (second family) ‘yung parang hindi masyadong pinapansin, pero pinapansin sila ng Papa ko. Wow, may bubog sa Papa! Ha! Ha! Ha!

“Hindi, wala. Fair din kasi ‘yung Papa ko. Parang ito (‘Love Thy Woman’) talaga ‘yung nangyayari sa totoong Chinese family.

“Kaya nga ‘pag tinitingnan ko, ‘pag umaarte kami, sabi ko, ‘Shucks, kawawa rin pala ‘yung mga anak ng Papa ko, ‘no?’ ‘Yung mga gano’n.

“Kasi, ‘pag first family, parang ikaw ‘yung pinakamatapang. So, my character plays the second family. Now, I understand what they are feeling, ang mga kapatid ko sa labas,” bulalas ni Kim, na pinu-post naman daw sa Instagram ang pics ng kanyang half siblings.

“Marami kami, masipag ‘yung Papa ko! Ha! Ha! Ha! Hindi, mapagmahal lang ‘yung Papa ko. And it really happens. Totoo talaga siya and accepted siya ng lahat ng wife.

“Pero hindi pinapakita. But in this teleserye, you can see what really happens inside a modern Chinese family,” pakli pa ng 29-anyos na Kapamilya actress.

Paano nabago ang tingin niya sa love kung nu’ng lumalaki siya ay nalaman niyang may mga ibang pamilya pala ang father niya at marami pala silang magkakapatid?

“Growing up, lagi akong nagwa-wonder nasaan ang Papa ko. Lagi siyang nawawala. ‘Pag may special event, ang dami kasi niyang pinupuntahan. Hindi kasi siya bahay, city siya. So, nililipad niya talaga ‘yon.

“Habang lumalaki, okey na ako na wala akong father figure, pero ‘pag may special event, nandiyan siya.

“Kunwari, a-award-an ako, honor kasi ako nu’ng elementary ako. Gusto ko lang sabihin. ‘A-award-an, sinong pupunta? Sinong aakyat?’

“Tapos, magugulat na lang ako, ‘Ah, si Papa pala? Dumating pala siya!’

“So, ‘yun ang naging motivation ko na mag-aral akong mabuti para everytime meron akong award, pupunta siya.

“Tapos, may mga birthdays… naiiyak ako! Ayoko na!” sey ng emosyonal na si Kim, na gusto nang ibaba ang mic at natawa na lang.

“Ano ba? Huwag na lang. Kaya iyakin ako rito sa ‘Love Thy Woman’! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Kimmy, tapos ay hindi na nito tinuloy ang pagsagot.

KimXi tandem mala-adobo

2016 pa nang huling magtambal si Kim at ang boyfriend niyang si Xian Lim sa Kapamilya seryeng “The Story of Us”.

Very happy raw si Xian to work with Kim again. Proud and happy ang binata na napabilang siya sa cast ng “Love Thy Woman”.

Sila ni Kim ay ang tagal nang hindi nagkasama. It feels different daw, pero ‘yung energy and chemistry are still there.

“Everytime nakatingin ako sa kanya, naaano pa rin ako. It feels like the first time I was working with Kim,” pakli ni Xian.

Tsika naman ni Kim, parang nanibago siya nang magkaeksena sila ni Xian. Parang mahirap daw pala umarte at nakakapanibago na gawin ito ulit.

“Parang adobo na pinatulog mo ‘yung oil, namuti siya, tapos pinainit mo, minicrowave mo, ‘yun na ulit. Parang gano’n ‘yung feeling, adobo. Ha! Ha! Ha!”

Talagang sa adobo niya kinumpara?

“Kasi, ‘yun ‘yung ulam ko kagabi. Ininit ko, eh. Masarap siya! Ha! Ha! Ha!”

Kapansin-pansing mas open na ngayon at mas showy ang KimXi kesa noon. Ani Kim, hindi na kasi kailangan pang itago at ang roles na raw kasi nila ngayon ay hindi na tweetums at hindi rin naman daw nila ginagawa sa totoong buhay ‘yung mga eksena ng sigawan, gaya sa bago nilang serye.

Nang tanungin namin nang diretso si Xian kung gaano katagal na ba sila ni Kim, ang sagot nito ay nakalimutan niya. Hindi raw kasi sila nagbibilang ng panahon.

Nu’ng si Kim ang usisain namin, ang sagot nito ay, “Binibigay naman na namin lahat, baka ‘yung numero, amin na lang.”

Mas lumalim daw ang relasyon nila ngayon at masaya si Kim na kung anong gusto niya ay gusto rin daw ni Xian. They travel together and share memories and experiences as one.

Nakikita na rin ba ni Kim na in the future ay magiging ‘as one’ talaga sila ni Xian?

“Grabe, parang siguro, we take one day at… tulungan mo ako,” baling ni Kim sa katabi niyang si Xian sabay kuha sa kamay nito.

“Kaya mo ‘yan,” natatawang reaksyon ni Xian.

“Ano, parang one day at a time. Ine-enjoy naming ‘yung company namin together and then ‘yun, let’s see what will happen, gano’n.

“Ayaw naman naming unahan ‘yung future. So, kung ano ‘yung ngayon, na kausap ka namin ngayon, ‘yun muna ‘yung tsini-cherish namin,” nakangiting sambit ni Kimmy.

Sa February 10 ang simula ng “Love Thy Woman” sa Kapamilya Gold kapalit ng “Kadenang Ginto”.