Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim inindyan MMFF parade

0 202

Bagama’t na-delay dahil sa masamang panahon, natuloy as planned at naging successful naman ang first Metro Manila Film Festival fluvial parade kahapon (Dec.19) na ginanap sa Pasig River.

Base sa mga Tweets na nakita namin, kahit umuulan ay marami pa ring taong nag-abang ng parade sa tabi ng ilog . Gusto nilang makita ang kanilang mga paboritong artista na nakasakay sa bangka

Supposedly ay 2pm ang simula ng fluvial parade pero ayon sa Tweet ni MJ Felipe ng ABS-CBN ay na-delay raw ito ng ilang oras dahil sa ulan.

“LOOK: The MMFF Fluvial Parade is scheduled to commence at 2PM but the rain has delayed the event. Some of the ferries are parked here at the Guadalupe Ferry Station. Spectators are waiting outside the station hoping to catch the arrival of stars,” tweet ni MJ.

Photos by Boy Borja

Marami nga raw artistang hindi nakasama sa fluvial parade at karamihan sa kanila ay sa event na lang sa Makati Circuit nagpunta na siyang final stop ng parada.

Photos by Boy Borja

Isa nga si Kim Chiu na bida ng horror-trilogy film na Huwag Kang Lalabas sa hindi nakasama sa fluvial parade base na rin sa kanyang tweet.

Photos by Boy Borja

“Hi guys:) won’t make it to the fluvial parade due to weather condition. But will be there at the end in circuit Makati stage,” tweet ni Kim.

Photos by Boy Borja
SM food to go Banner Ad

Kung noong mga nakaraang taon ay motorcade ang filmfest parade at pagandahan ng float ang mga kalahok na pelikula, in this year’s fluvial parade ay patalbugan naman sila ng ferry.

Photos by Boy Borja

Ang ilan sa kalahok sa Metro Manila Film Festival 2021 ay Huwag Kang Lalabas, Kun Maupay Man It Panahon, Huling Ulan sa Tag-araw, The Exorsis, Love at First Stream, Nelia and A Hard Day.

Jelai, Ex Battalion Jon kinarir ang annulment

Dahil sa mabigat na marital problems na pinagdaanan ni Jelai Andres sa asawang si Ex Battalion member Jon Gutierrez, aminado ang social media influencer/actress na bagama’t masakit, marami rin naman siyang na-realize at natutunan.

“Na-realize ko na hindi ko deserved ‘yun,” natatawang sabi ni Jelai sa grand presscon/launch niya bilang bagong ambassadress ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters – ang pinaka-bagong nitong line ng health supplements ng kumpanya.

Maraming beses daw niyang sinubukan na bigyan ng chance ang kanilang pagsasama kaya naman daw wala siyamg pinagsisisihan ngayon dahil alam niyang ginawa na niya ang lahat ng kanyang magagawa.

Biro pa niya, “like 100,000 iba-ibang pagkatao na ang nagawa ko para lang. . .baka sakali.”

Hindi biro ang hirap na dinaanan ni Jelai to the point na dumaan din siya sa depression at anxiety. Kaya nga raw very timely ang pagkuha sa kanya ng Beautéderm na maging endorser dahil nakatulong daw ng malaki sa kanya ang sleep enhancer na produkto nito para makatulog siya.

Nakabangon na nga si Jelai mula sa madilim na parte na ‘yun ng kanyang buhay at obvious na ring naka-move on na siya sa paghihiwalay nila ng asawa. Sa ngayon ay naka-proseso na rin daw ang kanilang annulment.

“We are so happy to have Jelai as our newest Beautéderm brand ambassador,” ayon sa Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan. “Very expansive ang reach ni Jelai sa social media at malaking tulong ito upang maikalat namin ang message na each one of us should take charge of our health if we are to live our life to the fullest. Very professional si Jelai and she takes so much pride in the work that she does and I admire her very much for that.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.