Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim `di pasado sa mga fan ni Joshua

0 559

MILDRED BACUD: Bigla ngang umingay sa social media ang tungkol kina Joshua Garcia at Kim Domingo. Nanood ako kaagad sa YouTube. Ang dami ko ng napanood pero wala naman matibay na dahilan para mag-isip ako na theres something going on sa dalawa. Nasabi lang naman ni Kim na crush niya ang aktor. Other than that wala na.

Wala namang mga pictures na spotted na nagdate ang dalawa. To be sure tinanong ko ang aming source na super close kay Joshua. Sabi niya agad fake news. Napanood na rin daw nila ang mga lumabas sa YouTube. Sabi ko pa nga sa kausap namin baka naman nagdi-date di lang nila alam. Sagot ng source, takot nga daw lumabas si Joshua mula nang pandemic. Lalabas lang ito kapag may trabaho at sobrang nag-iingat pa. Malalaman naman daw nila kapag true ito.

Sa huling interview din ni Robi Domingo kay Joshua sinabi niyang single ito at ang tanging espesyal na mga tao sa buhay niya ay ang pamilya.

ROMMEL PLACENTE : Sabi nga kapag may usok,may apoy. Baka nga there’s something going on between Joshua and Kim.

Pero sa tingin ko,dapat ay si Joshua mismo ang magsalita o mag-deny na wala silang relasyon ni Kim. Puwede ring si Kim mismo ang magsabi na tsismis lang ang lumalabas na balita .Dapat ay from the horse’s mouth,ika nga Pero kung sakaling meron talaga silang relasyon at magdi-deny lang,huwag na nilang gawin ‘yun.

RODEL FERNANDO: Fake news talaga ang balitang iyan at masyado lang hina-hype .Marahil ‘yung sinasabing crush ni Kim si Joshua ay binigyan ng ibang kahulugan.

SM food to go Banner Ad

Of course, pogi points yun sa parte ng binata pero ang tanong papatulan kaya niya si Kim?. Puwede namang oo pero mas matimbang ang hindi kasi bata pa si Joshua at parang hindi tipo ng dalaga ang papatulan niya. Sariling palagay lang namin ito ha at hindi sa minemenos namin ang dalaga. Pero malay natin at hindi natin alam ang puwedeng mangyari pero sa ngayon mukhang hindi pa at wala pa.

Sa nakikita ko kasi kay Joshua ay hindi pa siya ready after ng pakikipagrelasyon kay Julia Barretto. Time will come ika nga. Makakapaghintay naman ang lahat lalo na ang lovelife. Pokus muna ngayon ang batang aktor sa kanyang karera dahil marami siyang proyekto sa tv at pelikula.

ROLDAN CASTRO: Grabe naman ‘yung mga fan na hindi boto kay Kim.Iniismol nila ang Kapuso actress.

Kung hahanap din lang daw ng dyowa si Joshua ay dapat higit o ka-level ni Julia Barretto. Ka-cheapan daw na ma-link si Kim sa Kapamilya actor.Ano ba ‘yan? Hindi pa nga totoo ang tsika, ‘bugbog sarado’ na si Kim.

Naku, 2021 na !Dapat wapakels na kung sino ang gusto ni Joshua na ligawan o maging gf. ‘Wag na tayong manghusga ng tao lalo na’t sa pag-ibig ay pantay-pantay.

Kung halimbawang swak at masaya sina Joshua at Kim, ‘di kayang ibigay ‘yun ng mga fan. Malay naman natin kung magiging responsable at mabuting nobya si Kim, di ba?
Tandaan, may mga nagmamahalan na sa palagay natin ay hindi bagay at hindi magtatagal pero sa bandang huli ay sila pala ang matatag ang relasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.