Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim iniwan si Xian

0 106

NI: ARCHIE LIAO

Nakapunta na si Kim Chiu sa Balesin kasama ang kanyang boyfie na si Xian Lim na dati nang nai-feature sa kanyang vlog.

This time, muling bumalik sa nasabing exclusive resort ang chinita actress kasama ang ilang kaibigan.

Inikot ng aktres ang kabuuan ng resort using a golf cart. Pinuntahan nila ang iba’t-ibang bahagi ng pamosong resort.

Pinamper din ng aktres ang sarili sa pamamagitan ng pagpapamasahe sa isang therapist ng resort.

After that, nag-food trip din ang aktres kung saan naging masagana ang kanyang pananghalian kasama ang ilang food buddies.

Sa huli, ipinakita niya ang kanyang bonggang kuwarto na matagal na niyang pinapangarap na maipareserba… ang water villa.

Sosyal ang amenities ng kuwarto kung saan merong outdoor deck, day bed at lounge chairs at tables for relaxation ang nasabing villa.

Sa outdoor deck kung saan may bed natulog si Kim in open air overlooking the sea. Ang kanyang mga kasama ay hindi kinaya ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa kanyang katawan kaya sa loob ito nag-stay.

Sa pagvi-video niya ng kanyang Balesin getaway para sa kanyang vlog, nadiskaril ang kanyang drone na gamit dahil nahampas ng hangin.

Nahulog ito sa tubig at pinilit na ini-rescue ng kanyang mga kasamahan.

Hirit naman ng ilang faney, bakit hindi raw kasama ni Kim sa kanyang bakasyon ang boyfie nitong si Xian. Bakit daw niya iniwan ito?

Marahil daw kung nandoon ang actor ay hindi mangyayari ang insidenteng iyon sa kanyang drone dahil laging handa itong umalalay sa nobya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.