Abante Tonite Interactive

Kim iniyakan ang pagkatalo sa Best Actress

226

tonite-imo-vinia-vivarTila apektado si Kim Chiu sa nangyayari ngayon sa pelikula niyang One Great Love dahil makikita sa IG Story ng boyfriend niyang si Xian Lim na parang umiiyak siya dahil nakasubsob ang mukha niya sa kanyang mga kamay.

Caption ni Xian na kino-comfort ang girlfriend, “it’s ok, you did your best. .” at nilagyan ng hashtag ng #morecinemasforonegreatlove.

Hindi namin alam kung para saan ang pag-comfort ni Xian kay Kim. Dahil kaya hindi nanalo ang GF sa Best Actress award sa katatapos lamang na Metro Manila Film Festival awards night or dahil nga sa balitang mahina sa box office ang One Great Love?

Lumutang sa social media ang hahstag na #morecinemasforonegreatlove bilang apela dahil balitang hindi raw ito ipinalalabas sa ibang mga sinehan.

May mga tweet na dumayo pa sa malalayong lugar ang mga manonood para makapanood lang ng One Great Love dahil hindi raw ito palabas sa ilang SM Cinemas.

May nag-tweet din na wala raw OGL sa Robinson’s Malolos at sa SM Marilao. Wala rin daw sa Panga­sinan at Tarlac.

Ang daming nagtatanong kung saan puwedeng manood ng OGL and people are clamoring for more cinemas.

Maging si direk Jose Javier Reyes ay nanawagan na rin at nag-tweet ng pakikisimpatiya sa mga MMFF entries na nabawasan ng sinehan.

“I do understand the “business” side of exhibiting movies but if you invite & select 8 entries, please give those underperforming a chance to show until the weekend before you pull them out to replace with the top grossers. Iba ang negosiyante sa sugapa,” ang tweet ni Direk Joey.

Isa pang tweet ng direktor kahapon, “It is with the greatest hope that the future of the MMFF in the coming years is for the benefit of the movie industry as a whole and not only for a few.”

Bukod sa One Great Love, balitang nabawasan din kasi ng mga sinehan ang Rainbow’s Sunset.

Samantala, pinuri naman ng mga netizen ang pagiging supportive boyfriend ni Xian at ang da­ming nakisipampatiya kay Kim sa larawan nitong tila umiiyak.

Sey ng mga netizen, napakasuwerte raw ni Kim sa pagkakaroon ng isang Xian Lim na laging nandiyan para suportahan ang aktres.
***

Coco, Vice malayo na ang agwat sa takilya

Last Thursday ay nag-tweet na naman si Vice Ganda at nagpasalamat ng 150 million na tila isang hint na nakaka-P150M na ang Fantastica.

Sa kasalukuyan ay balitang no. 1 pa rin sa box office ang Fantastica at ang latest development na lumulutang ngayon ay malaki na raw ang agwat nito sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles nina Coco Martin at Vic Sotto.

Kung noong 1st and 2nd day ay neck and neck ang labanan ng dalawang pelikula at kaunti lang ang lamang ng Fantastica, ngayon daw ay malayo na talaga.

May analysis naman kaming nabasa na paano raw hindi magkakaganu’n eh ang laki rin ng agwat ng mga bilang ng sinehan ng dalawang pelikula.

Ang JEP ay 244 cinemas lang samantalang ang Fantastica ay 330 kaya naman hindi kataka-takang maungusan na nga nang husto ng huli ang una. ‘Yan ay kung totoo nga ang tsismis na malayo na ang agwat ng box office result nila.

Sa ngayon kasi ay wala pang inilalabas na figures ang MMFF o ang mga producer ng kasaling pelikula.