Abante Tonite Interactive

Kim inulan ng indecent proposal matapos rumampa

25

DAHIL sa pagrampa ni Kim Domingo sa event ng Bench last Saturday sa MOA, tila mas lalong dumami ang indecent proposal sa kanya.

Kung ang iba, date lang ang hinihingi, o tipong name your place para sa isang lunch o dinner, may ibang makakapal ang mukha, na in public ay inaalok talaga si Kim na matikman nila, sa tamang halaga.

Name your price ang pa-etchos ng ibang nagyayaman-yamanan, na alam mo naman na nagpapapansin lang kay Kim.

Pero, sorry nga sila, dahil kahit mag-post sila ng milyones, hindi sila binabasa ni Kim Domingo.

Deadma nga si Kim sa mga indecent proposal. Dahil sabi nga niya, sanay siya sa hirap, sanay siyang magbanat ng buto.

Aware naman si Kim na karamihan ng lumalapit sa kanya ngayon, ang kaseksihan, alindog niya ang gustong-gusto sa kanya.

At nagagamit naman talaga niya ‘yon sa tamang paraan, dahil sa kaseksihan niya, nagkaroon siya ng calendar, nagkaroon siya ng maraming project.

Kaya sa fans ni Kim, hanggang papuri lang ang puwede niyong gawin, dahil hindi nga for sale ang alindog ng dalaga.

alfredworldpeace “Congrats, Kim! Ang ganda ganda mo sa f-show! Great job! So proud of you.”

tshechiwandy “Hot n sexy.”

queencoole “Ang hot-hot mo ate! Haha kaloka ang beauty mo, di ko kinaya.”

s.ange30 “Gaaannndaaaaaa.”

manuel.toledo05 “You nailed it. Ikaw na talaga ang pantasya ng bayan.”