Abante Tonite Interactive

Kim, Janine nagpoprotesta

0 448

May mga ilang celebrities na ang mga post-election messages, gusto kong papurihan kasi nga, kahit sila, takang-taka at gustong mahibang sa resulta ng midterm elections.

Ang diva that you love, ang ilang katotohanang napagtanto sa katatapos lamang na eleksyon ay: “Walang solid Catholic vote. Walang alta at yayamanin vote. Kaunti sila. Walang intellectual, literati o cultarati vote. Salat sila sa bilang. Walang power pinkbeki vote.

Tulog ang karamihan. Ayaw pumila at mainitan. Wala ring youth vote na busy sa online games, walwalan at panonood kay Vice Ganda sa ‘It’s Showtime.’ Mas bet nilang tigasan at maglawa sa landiang Vice at Ion Perez.

Abante Hiring – IT dep

Wala na ring himala si Elsa kasi nga binaril na siya. Wala na ring nakikinig sa panawagan ni Sister Stella dahil nga one line ang mga kilay niya at halata ang pressed powder niya sa fezlak at sininghot na ni Ding ang bato kaya forever Narda na si Darna.”

Ang kinalugod ko na lang, ang pinakamatandang tumakbong senador, natuldukan na ang nasa sa kapangyarihan. Ang party-list ni Mocha Uson, luhaan. Ang kanyang blog followers, dinedma ang kanyang hindi naman talaga marginalized na grupo. Ang pagtatapos ng rehimeng Estrada sa politika: luhaan sa San Juan, talunan sa Maynila at bigo sa Senado.

Ang mga nakalulugod na social media postings nina Adrian Alandy at Felix Roco, pati na rin sa bathaluman at “Dragon Lady” bida, Janine Gutierrez: “Nakakaiyak” at “OMG PILIPINAS You’re breaking my heart.”

Ang eme ni Kim Chiu, “Woke up and checked the news update!!! Unofficial pa but… OMG! Why them? What happened?”

At biglang pumogi ang dyowa ni Maureen Wroblewitz sa aking mga mata, dahil sa kudang ito ni JK Labajo: “Binoto ko si ano kasi pogi siya ULOL” at “Parang ginagawang laruan ang buhay ng ating kapwang Pilipino. Nakaupo sa tronong gawa sa ginto. Habang nakatingin sa baba. Sa mga naghihirap.”

Maaaring bago matapos ang linggong ito, ang lahat ng mga nagwagi ay naiproklama na. ‘Yung mga hindi maka-move on sa pagkatalo, siyempre karapatan naman nilang mag-file ng election protest na alam naman nating aksaya lang sa pera at panahon.

‘Yung matatandang politiko na inugatan at ngayon ay nakaranas na matalo, tanggapin niyo na ang katotohanan na tapos na ang panahon ng inyong pagpapasasa. Sumama na po kayo sa inyong anito. Charot! Hahahaha!

Kris dinaan sa kanta ang aksidente

Amusing para sa akin ang latest social media posting ni Digital Empress Kris Aquino kasi nga, may pop music reference ang kanyang aria na patungkol sa kanyang domestic slip.

Ang kuwento ni Aquino: “My new theme song seems to be Culture Club’s ‘i’ll tumble 4 ya’ because it’s becoming like Chicago’s ‘hard habit to break’… we already changed my bed to a lower one but after my morning shower i took a shortcut, stepped onto the bed, lost my footing and fell straight into the wooden breakfast tray.”

Pang mayaman talaga ang kanyang house, huh! Continue reading: ‘Warning: it’s not great to have a sound proofed home. Bimb was in his study room across & i was afraid to move in case i dislocated anything; i kept shouting for HELP but nobody could hear me… after a couple of minutes i saw my phone was within reach & i called bincai, she came in, saw me in a crumpled heap then 3 of them helped put me in a seated position to check if i had hurt anything badly.”

Pagtatapos ni Krissy: “My lower right side arms up to my shoulder have scrapes, bruises, and swelling. Ribs hurt, left side of my neck feels sore & i feel a bukol in the back of my head. To lighten the situation i know that i’m kelly clarkson’s ‘beautiful disaster’ but as ed sheeran said at least ‘hearts don’t break around here’… good health to all.”
Naku, Kris, ingat-ingat at pakatandaan, “love heals, God heals!”