Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim, Jerald, Candy lalabanan ang virus

0 91

NI: ROLDAN CASTRO

Sa lahat ng mga nakakatakot na nangyayari sa iba’t-ibang bansa, maaaring maging katapusan na nga ng mundo.

At isang direktor ang naisipang gawing cliché ang katapusan ng mundo: isang Zombie Apocalypse.

Produced by Master of Horror Erik Matti, ilalabas ng ‘Sa Haba ng Gabi’ ang mga patay na muling mabubuhay. Ito ay sa direksyon ng young director na si Miko Livelo. Tampok ang comedy great na si Ms. Candy Pangilinan, at ang mga comedy favorites na sina Jerald Napoles at Kim Molina.

Si Neneng (Candy Pangilinan), katulong sa isang engrandeng mansyon na pagmamay-ari ng isang senator. Hinimok niya ang kanyang pinsan na si Jhemerlyn (Kim Molina) na magtrabaho sa mansyon.

Desperadong makahanap ng trabaho, tinanggap agad ni Jhemerlyn ang alok ng kanyang pinsan. Hindi nagtagal, nadiskubre niya na ginagamit ng senador ang mansyon para doon dalhin ang kanyang mga babae.

Maayos ang lahat sa mansyon, hanggang sa isang araw na umuwi ang senador na maputla at mukhang may sakit. Di nagtagal ay nabalitaan ng magpinsan na may virus na kumakalat sa buong probinsya, at ginagawa nitong zombie ang mga tao.

Habang nagaganap ang apocalypse, sa mansyon din naisipang magtago ni Noel (Jerald Napoles), ang personal driver ng senator. Simula na ng pinakamahabang gabi sa buhay nila Neneng, Jhemerlyn at Noel.

Malalagpasan ba nila ang gabi na mananatiling buhay at tao?

Nagsimula si direk Miko Livelo bilang isang motion graphics artist, at ginawa niya ang kanyang unang pelikula na “Blue Bustamante” noong 2013. Nakakuha siya ng international recognition nang mag-premiere ito sa Osaka Asian Film Festival noong 2014. Noong 2019, ginawa ni Miko ang friendship-comedy film na “’Tol,” at ang fantasy-comedy adventure film na “Unlilife.”

Para sa kanyang bagong horror-comedy film na Sa Haba ng Gabi, nakipagtambal siya sa award-winning filmmaker na si Erik Matti bilang producer.

Siguradong mahahawa kayo sa kakatawa sa panonood ng ‘Sa Haba ng Gabi’ mula sa Viva Films at Reality Entertainment, streaming online sa October 29 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe.

Leave A Reply

Your email address will not be published.