Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kim, Jerald maduming bersyon ng KathNiel

0 620

Sabay naging matagumpay sa pelikula at TV sina Kim Molina at Jerald Napoles. Pagkatapos ng kanilang box office hit na pelikulang ‘Jowable,’ muli silang mapapanood sa ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam.’

“Nakakakilig . Nakakatuwa ang nangyayari sa amin individually pero ‘yung idea na magdyowa kayo tapos sabay kayong nangarap , tapos sabay rin nangyayari lahat ng mga magagandang bagay.Para rin siyang pelikula, para rin siyang rom-com. Lagyan natin ng com kasi comedy kami he!he!he! pag magkasama,” deklara ni Kim

“Same with Kimmy, ako Nakaka-KathNiel,eh. Bibihira rin kasi ‘yung real couple na may project silang dalawa talaga .Nakaka-affirm,” reaksyon naman ni Jerald.

“Maduming version ng KathNiel,” pagbibiro namang dagdag ni Kim.

Tinanong din namin ang dalawa kung ano ang puwedeng maging kasalanan ng isa’t isa para sabihing wala na akong maramdaman, tama na, babu na?

“Wala akong masasagot diyan kasi lahat nilalaban, e! Kayang ilaban. Lalo na ngayon parang mas naging aware kami personally sa mga nangyayari sa relasyon naming,” pakli ng aktor.

“At saka tinanggap na po kasi namin na kami ang partner ng isa’t isa sa lahat ng bagay so, paano kayo magsa-succeed kung ang iisipin mo ay ang isang bagay na puwedeng ikasira ng naisip niyong partnership so, We were rather think of the good things,” lahad naman ni Kim.

SM food to go Banner Ad

Humantong na ba sa pagseselos si Gerald pag may project si Kim na may torrid kissing scene at konting pasilip gaya ng Momoo Nights?

“Napanood ko. Pinapanood ko po bilang actor. Nabasa ko po ang script nu’n. Nu’ng napanood ko siya actually, ang sabi ko to be axact ‘O, ‘ang guwapo nga ni Kit (Thompson),no?’

Dagdag ni Kim, “So, habang pinapanood niya, paulit-ulit din niyang sinasabi na , ‘ganda trabaho ito, trabaho. Ganda mo diyan be,ah.. trabaho mo ito. Ina-affirm niya sa sarili niya, hahaha.”

Pareho kasi silang produkto ng teatro kaya game sila sa ganoong mga eksena.

Anyway, ang latest movie nila ay hindi masyadong alam ng madaming tao. Ito’y tungkol sa Congenital Insensitivity to Pain na isang pambihirang kondisyon na hindi gaanong kilala dito sa Pilipinas. Sa ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam,’ matututunan ng mga manonood ang tungkol sa kakaibang sakit na ito, at kung paano nito naaapektuhan ang buhay ng isang tao na may ganitong karamdaman.

Panibagong hit movie na naman ang hatid nina direk Darryl Yap , Jerald at Kim sa ‘Ang Babaeng Walang Pakiramdam,’ exclusively streaming sa VIVAMAX simula June 11. Hatid ng VIVA Films.

Mag-subscribe na sa www.vivamax.net o kaya ay i-download ang VIVAMAX app sa Google Play.

Leave A Reply

Your email address will not be published.