Abante Tonite Interactive

Kim JinWoo ikinasal na

372

tonite-annyeong-rose-garcia
Ikinasal na kahapon, September 8, sa isang event venue sa Seoul ang South Korean actor na si Kim Jin Woo. Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang balitang lumalabas kung saan ang saktong venue sa Seoul na pinagkasalan niya.

Wala pa ring ibang detalye tungkol sa naganap na kasalan.
Pero noong July ng taong ito ay inanunsiyo naman ng actor na ­engaged na siya sa kanyang girlfriend.
Bukod dito, hindi na siya nag-share ng iba pang detalye tungkol sa kanyang kasal.
Ang napangasawa ng actor ay isang flight attendant. Nagkilala sila sa pamamagitan ng pareho nilang acquaintance. Last year lang nang ma­ging magkarelasyon ang dalawa.
Base sa report, mas bata nang tatlong taon ang girl sa actor.
Si Kim Jin Woo, 35 years old, ay isang South Korean singer/actor. Nagsimula siya sa musical theater noong 2006 sa pamamagitan ng “Adam and Eve”.
Sinundan na ito ng ilang television at film projects niya.
Kabilang sa mga Korean drama na nagawa niya ay ang “Queen in Hyun’s Man” at “The Birth of a Fami­ly”, parehong noong 2012, “Can’t Take It Anymore” (2013) at ang huli ni­yang drama ay ang “Reuni­ted Worlds” noong isang taon.