Abante Tonite Interactive

Kim jowable

475

Mula sa isang viral short film, na naging best-selling na libro, ready na ang “Jowable” mag-blockbuster naman sa sinehan!

Likable. Lovable. Jowable. Pero walang JOWA! Ito ang malungkot na kapalaran ni Elsa (Kim Molina), isang 30-something na No-Boyfriend-Since-Birth na walang ibang hiling kundi ang magka-boyfriend.

Kahit madami siyang kaibigan na dumadamay sa kanya, miserable pa rin ang pakiramdam ni Elsa at inggit pa rin siya sa mga nakikita niyang mag-Jowa. Hanggang sa may nakilala siyang lalaki, at instant attraction ang naramdaman nila sa isa’t isa. Ito na nga ba ang kaligayahan na hinahanap niya? O sa ibang bagay niya mahahanap ang tunay niyang kaligayahan?

Ang “Jowable” ay unang na-post sa Vincentiments Facebook page noong 2018, bilang isang short film na sinulat at sa direksyon ni Darryl Yap. Maraming Pinoy ang agad naka-relate sa sentimiyento ng video at humakot agad ito ng 1 million views overnight, at ang Vincentiments page ay agad nagkaroon ng 100,000 likes.

Gumawa si Darryl ng dalawa pang short film para sa “Jowable” series, bago ito naging isang libro. Lumabas ang aklat nitong nakaraang March lang, at gaya ng video, naging instant hit din ito.

Bukod sa pag-arte, si Kim ay isa ring singer, at nanalo siya ng Best Performance by a Female Recording Artist noong 2017 sa Awit Awards. Ito’y para kanyang debut single na “Naluluha Ako” na ni-release ng VIVA Records.

Si Kim din ang umawit ng official soundtrack ng “Jowable”. Isang araw pa lamang pagkalabas ng “Jowable” music video, pumalo agad ito ng 60,000 ang views.

Halo-halong lungkot, pag-asa, at kasiyahan ang ipaparamdam ni Darryl Yap sa full-length film ng “Jowable”. Kaya samahan si Elsa na hanapin ang kanyang tunay na kaligayahan sa mga sinehan sa September 25. Prodyus ng Viva Films. (Roldan Castro)