Abante Tonite Interactive

Kim kabado kay Julia

492

Ngayon na gaganapin ang Star Magic All-Star Volleyball Game kung saan maglalaro sina Kim Chiu at Julia Barretto bilang mga lider ng magkalabang team.

Marami ang nai-excite sa paghaharap ng dalawa na ang common denominator ay si Gerald Anderson na na-link kapwa sa kanila.

Sa kanilang face-off, naurirat si Kim kung ano ang kanyang saloobin sa kanilang napipintong paghaharap ng umano’y current apple of the eye ng kanyang ex.

“Una, stressed kasi hindi naman talaga ‘ko super mega player at sa Araneta pa gagawin,” aniya. “Katapat namin Team Julia, so nervous kasi si Julia varsity na siya before, ako, du’n lang sa mababang paaralan sa Cebu City.

Sana maging okay ‘yung game,” dugtong niya.

Sina Kim at Julia, kasama sina Maja Salvador at Bea Alonzo ay ilan sa mga tinaguriang shampoo beauties na na-link kay Gerald. (Archie Liao)